Kabanata 31

167 13 2
                                    


KABANATA 31

Bumalik na ako sa trabaho, dahil kailangan kong mag-trabaho. Ang daming nag-tatanong kung totoo ba daw na anak ko si Akiro, at oo lang ako ng oo. Hindi na ako magde-deny ngayon, dahil nasabi ko na naman sa lahat. Wala nang rason, para itago pa ang katotohanang ako ang Mommy ni Akiro.

Sa Linggo, pupunta kaming beach, kaming tatlo nina Travis. Sabi ko nga sakaniya, huwag na ako i-sama at silang dalawa nalang ang mag-bonding dahil sila ang never pang nag-kabonding. Kaso, gusto talaga nila ako i-sama, kaya pumayag na rin ako.

"Hi Ma'am! Ang cute ng family n'yo po!" sabi ni Coleen, pag-pasok ko palang ng opisina. Umupo ako sa table ko, at ininom ang nakahandang kape.

"Pumunta ka?" I asked.

"Yes, Ma'am!" masigla niyang sabi. Hyper talaga lagi 'tong si Coleen. Akala mo, walang pinoroblema sa buhay e. Laging masigla at matinis ang boses.

"Sorry, a. Hindi kita nakausap, ang dami kasing tao e... Hindi naman kita nakita rin," sabi ko sakaniya.

"Ay naku! Ayos na ayos lang, Ma'am. Busog naman ang mga mata ko sa mga poging lalaki! Daming bista ng baby mo, Ma'am! Parang mas masarap pa sa handa niyo iyong mga poging bisita, Ma'am." tuloy-tuloy ma sabi ni Coleen. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Baliw ka talaga," sabi ko.

"Tagal na, Ma'am. Di you updated? Ay charot, baka mawalan pa ako trabaho. Sige ho, Ma'aaam!" sabi niya tska umalis ng opisina ako. Ngumiti ako. Baliw talaga iyong si Coleen. Iniisip ko kung may jowa na ba siya? O, kalandian? Hindi naman kasi siya ma-kuwento about love life niya e.

Napaangat ako ng tingin nang sunod na pumasok ng opisina ko si Gabriel. Nakaraan pa, nung huli kami mag-kita. Ngumiti siya sa akin.

"Hi, Engineer. Upo ka," sabi ko sakaniya. Ngumiti naman siya at umupo sa upuan na nasa gilid ko.

"I knew it," bungad niya, habang nakasandal sa upuan. Nag-salubong ang kilay ko sa sinabi niya.

"You knew, what?"

"Simula nung makilala ko si Akiro, naramdaman ko nang ikaw ang Mommy niya. Akala ko, napa-praning lang ako, pero totoo pala talaga ang akala ko!" sabi ni Gabriel.

"Lakas ng pakiramdam mo, a." I smiled.

"Ano ka ba, ako lang 'to." pabirong pag-mamayabang niya, habang pinapagpapagan ang damit kunwari.

"How's the party?" tanong ko.

"It's fine, I enjoyed it. Kaso, iyong pinsan mong model, sunod ng sunod sa akin. Pati yata sa inidoro, susundan ako nun e!" sabi niya, habang kinakamot ang ulo. Napatawa ako ng malakas.

"Si Zab?"

"Oo, Zab ata pangalan." nakangiwi niyang sabi. Kawawa naman si Zab, akala ko ba lagi s'yang naaalala ng mga nilalandi niya? E, bakit kahit pangalan niya e hindi maalala nitong si Gabriel? Akala ko ba siya iyong hinahabol? Haha!

"Oo, si Zab 'yon. Yung pinsan kong model. Pasensya ka na don,"

"It's okay, natitiis ko pa naman. Konti nalang, mapagkakamalan ko na siyang fan ko."

"I heard my name, pinagchi-chismisan n'yo ba ako?" si Zab. Dere-deretso siyang umupo sa table ko. Gagong 'to talaga, hindi manlang nahiya kay Gabriel. Ngumuwi si Gabriel, parang hindi maipinta ang mukha niya. Para siyang natatae na hindi mo maintindihan.

"Do you need anything, Engineer? We need privacy kasi, e." maarteng sambit ni Zab. Nagulat naman kaming dalawa ni Gabriel, dahil parang ang taray naman ata ngayon ni Zab kay Gab? Wow, mag-katunog nickname nila, a.

In The Right Time, My love Where stories live. Discover now