Chapter 12

1.3K 41 2
                                    

IPINATONG ni Aina ang hawak na palette at brush sa maliit na mesa nang makaramdam na ng pagod. Pinakatitigan niya muna ang painting na ginagawa bago lumakad palabas ng painting room at nagtungo sa sariling silid. Hindi pa rin lumalabas ng kuwarto nito si Winston simula pa kanina, pagod na pagod siguro talaga ito.

Katatapos niya lang mag-ayos ng sarili sa pagtulog nang makarinig ng pagkatok mula sa pinto. Lumapit si Aina sa pinto at binuksan iyon. Agad namang sumalubong sa kanya ang mukha ni Winston.

Nginitian niya ang lalaki. "Gising ka na pala. Gusto mo bang maghapunan, puwede kong iinit ang—"

"Hindi pa ako nagugutom," putol sa kanya ni Winston.

Kumunot ang noo ni Aina. Hindi niya maintindihan subalit parang may bumabagabag sa lalaki simula pa kanina. May nangyari ba dito sa pinuntahan nito?

Bumuntong-hininga si Winston. "Hindi ako... hindi ako makatulog ng ayos," yumuko ito. "Maaari ba akong matulog dito, Aina? K-Kahit na sa sahig lamang ako."

Hindi niya inaasahan ang hiling na iyon ng lalaki. Ngunit nang makita ang pagmamakaawa sa mukha nito, wala na siyang nagawa kundi ang pumayag. "A-Ayos lang, come in," pinilit niyang pinatatag ang tinig.

"Salamat," puno ng sinseridad na wika ng binata bago isinara ang pinto ng kuwarto.

Lumapit si Aina sa closet na naroroon para maglabas ng comforter na maaaring tulugan ng lalaki sa sahig. Iniabot niya iyon kay Winston at ito na mismo ang nag-ayos ng mahihigaan nito sa gilid ng kanyang kama.

Sumampa siya sa ibabaw ng kama at inabutan ito ng ilang mga unan. "Nagkukumot ka ba?" tanong niya pa.

Umiling si Winston bago ngumiti, naupo ito sa comforter na nasa sahig habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Pasensiya ka na sa hiling ko na 'to," anito. "I just don't feel like being alone... tonight, bigla rin kasing sumama ang pakiramdam ko."

Napuno ng pag-aalala ang puso ni Aina dahil sa sinabi nito. "Ikukuha kita ng maiinom na gamot, no, kailangan mo muna palang kumain. Sinabi ko na nga bang—"

"Ayos lang ako, Aina," natatawang wika ni Winston. "Kaya ko 'to, kailangan ko lang ng maayos na pahinga. Medyo marami lang sigurong nangyari kahapon at kanina, marami lang akong iniisip."

Tumango-tango na lang si Aina. Gusto man niyang itanong ang mga pino-problema nito ngunit nag-aalangan na baka hindi nais pag-usapan ng lalaki ang patungkol doon. Bumuntong-hininga siya at minabuting mahiga na.

Nanatili lamang na nakaupo si Winston, nakatitig pa rin sa kanya. Kahit naiilang sa pagtitig na iyon ng lalaki ay hindi naman ito sinaway ni Aina.

"Maraming salamat, Aina," maya-maya ay basag ng binata sa ilang sandaling katahimikan. "Sa lahat-lahat."

Ngumiti siya. Ilang beses pa bang magpapasalamat sa kanya ang lalaki? "Ano na naman bang sinasabi mo?" tanong ni Aina. "Nagbabalak ka na bang umalis?" That thought brought unexplainable pain in her heart.

Napangiti na rin naman si Winston. "Hindi pa naman, at humihingi ako ng pasensiya dahil natatagalan na ako dito ng higit sa dapat."

Umiling siya. "No, it's okay," she blurted out without thinking. Iniiwas niya ang tingin dito. "Malaki naman ang bahay na ito kaya walang problema. Stay here for as long as you want."

"That might be forever," nakangiting wika ni Winston, halatang nagbibiro.

Napatawa si Aina, pero sa loob-loob ng puso ay hinihiling na hindi na lamang biro iyon. Nababaliw na nga talaga siya.

Bahagyang umisod ng upo palapit sa gilid ng kama si Winston at ipinatong ang baba sa kama habang nakatitig pa rin sa kanya. "You really are beautiful," bulong nito sa seryosong tinig. "Masaya ako dahil nakita kita sa party na 'yon sa Mystic Landia noon. That place was indeed mystical."

[Completed] Party of Destiny Book 12: While We Are Able To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon