Book 3: While We Are Able To Love - Chapter 21

1.3K 40 0
                                    

NAKATITIG lamang si Winston sa labas ng bintana ng sasakyan subalit tila wala naman siyang nakikitang kahit na ano dahil sa nanlalabong paningin. Sobrang diin na ng pagkakakuyom ng kanyang mga kamay para lamang mapigilan ang nagbabantang mga luha sa mga mata. Hindi niya gustong umiyak. Hindi niya gustong magpakita ng kahinaan pero napakatindi ng sakit na kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon.

He had never experienced this kind of pain before, this kind of emptiness. Inaasahan niya na darating ang araw na malalaman ni Aina ang patungkol sa kanyang pagkatao. Inaasahan niya na iyon subalit bakit ganito pa rin kasakit? He felt like his heart, his hope, his life had been taken away from him.

Isinubsob niya ang mukha sa dalawang kamay na nakaposas pa rin. "M-mahal na mahal ko siya." Hindi niya napigilang iwika sa tinig na puno ng sakit. "H-hindi ko siya gustong saktan."

Alam ni Winston na nakikinig sa kanya ang kaibigan ni Aina na si Troy Aguirre – ang lalaking magdadala sa kanya pabalik sa kulungan na ilang buwan niya ring pinilit huwag balikan. Wala na siyang pakialam kung mabulok man siya sa lugar na iyon. Wala na rin namang halaga ang kanyang buhay ngayong sinaktan niya ang babaeng pinakamamahal.

Kitang-kita niya ang sakit sa mga mata ni Aina at ninais niyang akuin na lamang ang lahat ng sakit na iyon. Hindi niya ito gustong saktan. Kasalanan niya ang lahat ng ito. Hindi na lang dapat siya nanatili sa tabi ng babae.

"Hindi ko gustong gawin ito." Narinig niyang wika ni Troy mula sa driver's seat. "Lumapit lang sa akin kanina si Aina at humingi ng tulong na mapaalis ka sa lugar niya. Nakita ko ang sakit na pinagdaraanan niya, lalo na sa pagdedesisyon ng ganito. Bakit hindi mo na lang sinabi sa kanya ang totoo?"

Ini-angat ni Winston ang tingin at muling ibinalik sa labas ng bintana ng sasakyan. "Sa tingin mo ba ay tatanggapin niya rin ako kung sinabi ko sa kanya noon ang totoo? Isang kriminal ang itinatak sa aking pangalan, sa aking pagkatao. Ako ang nagbabayad ng kasalanang ginawa ng iba," nanginginig na siya ngayon sa galit. "Nasaan ang katarungan ng mundong ito? Bakit ako ang pinahihirapan ng ganito at hindi ang mga masasamang tao na iyon?!"

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Troy. "Ikaw ang pumatay sa kapatid ni Aina, iyon ang pagkakaalam niya, ang pagkakaalam ng mga tao. Hangga't hindi mo nababago 'yon, patuloy kang magdurusa."

Hindi sumagot si Winston. Gusto niyang baguhin iyon. Pero para saan pa? Hindi na siya nais na makita ni Aina. Hindi na siya nito mapapatawad sa ginawang panloloko dito. Wala na siyang rason para pilitin pang ayusin ang magulong buhay.

"Saang lugar kita dadalhin kung saan maaari ka pang makapagtago?" Narinig niyang tanong ni Troy.

Gulat na napatingin si Winston sa unahan. Hindi naman nakatingin sa kanya si Troy at seryoso lamang na nagmamaneho.

Iniyuko niya ang ulo at pinakatitigan ang nakaposas na mga kamay. Alam mo ba kung ano ang pinakamasakit? I... I thought you were different. But I was wrong. Mas malala ka pa sa lalaking unang nanloko sa akin. K-kaya umalis ka na... H-hindi na kita gustong makita, bumalik ka na sa lugar kung saan ka nararapat... Naalala niyang wika ni Aina kanina.

Hindi na naman napigilan ni Winston ang paninikip ng puso dahil sa sakit. He had never loved a woman like this, pero nagawa niya pang saktan ito ng sobra-sobra. Napakatanga niya!

"May alam ka bang lugar na maaari pang pagtaguan?" muling pukaw sa kanya ni Troy.

Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot. "S-salamat, pero dapat lang na ibalik mo na ako sa lugar kung saan ako nararapat katulad ng nais ni Aina. H-hindi ko na siya gustong masaktan pa muli kapag nalaman niyang nakatakas pa rin ang suspect sa pagpatay sa kapatid niya." He was willing to sacrifice himself just to make that woman at ease, just to lessen her pain.

[Completed] Party of Destiny Book 12: While We Are Able To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon