Chapter 5

1.5K 43 0
                                    

INI-ANGAT ni Aina ang tingin kay Winston nang maramdaman ang paglapit nito sa kinauupuan niyang couch sa living area. Kumunot ang noo ng lalaki nang makita ang ginagawa niya. Kasalukuyan siyang nagsusulat ng mga messages sa card na ilalagay sa mga boxes ng homemade cookies na nasa mesita.

"Para saan ang mga 'yan?" nagtatakang tanong ni Winston.

"I made some cookies, pupunta kasi ako mamaya sa isang orphanage malapit dito," sagot ni Aina. "Mayroon din diyang mga coloring books at painting materials na ilalagay ko sa kahon. Ibibigay ko rin ang mga 'yan sa mga batang nandoon."

"Ako na ang gagawa ng mga 'yon," pag-ako ng lalaki at lumapit sa mga coloring books at painting materials na nasa sahig.

"Hindi ka ba muna mag-aagahan? Nakapaghanda na ako ng almusal."

Ngumiti si Winston at sinimulan na ang ginagawa. "Mamaya na. Ikaw ba ang namili ng lahat ng ito?"

Umiling siya. "Hindi. Tinawagan ko lang ang shop na binibilhan ko ng mga ganyan para ipa-deliver dito. Kanina lang dumating."

Tumango-tango ang binata. "Matagal ka na bang bumibisita sa mga orphanage?"

"Oo, pero isang orphanage pa lang naman ang nabibisita ko sa loob ng ilang taon. Napamahal na kasi sa akin ang orphanage na iyon na malapit dito. I want to give hope sa mga batang naroroon kahit kaunti lamang," bumuntong-hininga si Aina at ipinagpatuloy ang pagsusulat ng mga mensahe sa cards. "Nakakaawa kasi ang mga batang walang magulang. May isa akong kaibigan noon, wala siyang ama at hindi rin naman siya gaanong nabibigyan ng atensyon sa kanila. Madalas ay hindi siya isinasama sa mga pagtitipon ng kanilang pamilya na parang ikinakahiya siya. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang trato sa kanya noon. Siguro dahil wala ngang amang magtatanggol sa kanya." Tinutukoy niya ang kaibigang si Jerome.

Ibinalik ni Aina ang tingin kay Winston nang mapansin ang pagtahimik nito. Nagulat pa siya nang makitang nakatitig lamang sa kanya ang lalaki. There was something in his dark eyes – something she didn't know what to call.

Mabilis niyang ibinalik ang tingin sa ginagawa nang maramdaman ang mabilis na pagkabog ng puso. Bakit ba siya tinititigan ng ganoon ng lalaki? Humugot muna si Aina ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili bago nagpatuloy. "S-Sana lang... sana nasa maayos na kalagayan siya ngayon. Sana hindi na siya ikinakahiya ng kanyang pamilya at itinatago sa mga tao. Sana may maganda na siyang buhay." Kahit hindi niya na ako hanapin.

Hindi niya alam kung bakit sa loob ng maraming taon ay hindi pa rin magawang makalimutan si Jerome. Hindi niya alam kung bakit nalulungkot siya dahil hindi man lang nito nagawang hanapin siya kahit minsan. Siguro ay maayos na ang buhay nito. Siguro masaya na ito at hindi na kailangan ng kaibigan o makakausap man lang. Hindi katulad niya na palaging mag-isa.

"Napakabait mo talaga..." narinig niyang usal ni Winston. "Siguradong magiging masaya ang mga batang dadalhan mo nito dahil may isang katulad mo ang nakakaalala sa kanila kahit wala na silang pamilya."

Ngumiti si Aina. "Palaging pinapaalala sa amin ni Mommy noong mga bata pa kaming magkakapatid na maging mabuti sa lahat ng tao na makikilala. Hindi daw namin alam kung ang simpleng kabutihan na gagawin namin ay may katumbas na maraming resulta para sa mga taong iyon. I want to give hope to those children through teaching them arts. Malay ko ba kung may ilan sa mga batang iyon ang nangangarap na maging tulad ko balang-araw."

"Puwede ba akong sumama sa'yo mamaya sa orphanage na iyon?" maya-maya ay tanong ni Winston.

Lumawak ang pagkakangiti ni Aina. "Walang problema. Siguradong magiging masaya ang mga bata kapag nakitang may bagong bibisita sa kanila. Ipapakilala kita sa kanila, ganoon din sa mga taong namumuno doon. Alam kong—"

[Completed] Party of Destiny Book 12: While We Are Able To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon