Chapter 8

1.3K 39 9
                                    

HUMUGOT ng malalim na hininga si Aina bago muling sumulyap sa front door ng bahay. Tiningnan niya ang wall clock na nasa living area at nakitang pasado alas-otso na ng gabi. Mukhang hindi talaga uuwi ngayong gabi si Winston.

Kaninang umaga ay nagpaalam ang binata na maghahanap daw ito ng trabaho. Hindi niya alam kung nakahanap na ba ito o ano. Wala namang paraan para makontak ito.

"May hinihintay ka ba, Aina?" pukaw sa kanya ng kaibigang si Carla. Kanina pa itong hapon naririto para raw makipag-bonding sa kanya. Kanina pa rin ito nagku-kuwento ng patungkol sa bago nitong karelasyon subalit hindi niya naman gaanong naintindihan.

"Ha?" Ibinalik niya ang tingin sa kaibigan. "W-wala," nauutal na sagot ni Aina.

Pinakatitigan siyang mabuti ni Carla. "Really?" tila hindi naniniwalang tanong nito. "Are you seeing someone, Aina?"

Hindi naitago ni Aina ang pagkagulat sa tanong na iyon ng kaibigan. "A-ano ba 'yang mga tanong mo, Carla? You're the one who's seeing someone, n-not... not me."

Tumaas ang isang kilay ng kaibigan at sinuri pa ang kabuuan niya. "You just look... different. At saka, may mga nakita akong damit ng mga lalaki sa laundry basket na nasa bathroom mo. Paano mo ipapaliwanag ang mga 'yon?"

Iniiwas ni Aina ang tingin sa mapanuring mga mata ng kaibigan. "A-ako ang gumagamit no'n," pagsisinungaling niya.

"Ha!" Carla scoffed. "Hindi ka talaga marunong magsinungaling, Aina," natatawang wika nito. "Well, hindi kita pipilitin kung ayaw mo pang mag-kuwento. Just make sure na matinong— Oh, wait," napatuwid ito ng upo. "Huwag mo sabihin sa akin na nakipagbalikan ka sa Hiro na 'yon?"

Mabilis na ini-iling ni Aina ang ulo. "That's stupid!" Hindi niya napigilang bulalas. "Hinding-hindi na ako makikipagbalikan sa manlolokong 'yon."

Mukhang nakahinga naman ng maluwag si Carla sa sagot niya. "Nabanggit kasi sa akin ni Julia na nalaman ng lalaking 'yon ang address ng lugar na ito. Hindi pa ba siya nagpupunta dito?"

"Nagpunta na siya," tinatamad na tugon ni Aina.

"Talaga? Anong nangyari? May ginawa ba siya sa'yo?" sunod-sunod na tanong ng kaibigan.

Ikinuwento niya sa pinakamabilis na paraan ang naging pangyayari sa muling pagkikita nila ni Hiro. Kitang-kita ang pag-asim ng mukha ni Carla dahil sa mga narinig.

"Mabuti naman at hindi mo na pinagbigyan ang lalaking 'yon. Siguradong lolokohin ka lang niya uli katulad ng ginawa niya noon maging sa kanyang asawa," naiiling na wika ng kaibigan.

Bumuntong-hininga na lamang si Aina. Hindi niya na gustong pag-usapan ang tungkol sa dating nobyo. Muli siyang sumulyap sa front door. Hindi niya magawang maunawaan kung bakit nakakaramdam siya ng kalungkutan dahil lamang hindi uuwi ngayong gabi si Winston. Bakit ba siya nangungulila sa presensiya ng lalaki?

Napatingin siya sa kaibigan nang muli itong magsalita. "Saan mo naman ba nakilala ang bagong karelasyon mo ngayon, Aina? Sa Mystic Landia rin?" may interes na sa tono nito.

Naiinis na napabuntong-hininga si Aina. Akala niya ba ay titigilan na ng kaibigan ang patungkol doon? Akmang sasabihin niya dito na wala siyang karelasyon subalit nagpatuloy ito.

"Alam ba ni Troy na may bago ka nang dine-date?" tanong pa ni Carla, tinutukoy ang isa pa nilang kaibigan.

Tiningnan niya ng masama ang kaibigan. "Wala nga akong karelasyon ngayon, Carla. Ikaw nga diyan ang may bagong dine-date, 'di ba? Alam na ba ni Troy ang patungkol diyan?"

Iniiwas ng kaibigan ang tingin. "Siguradong kikilatisin niya na naman ang lalaking iyon. Para naman siyang nakatatandang kapatid natin kung umakto, 'di ba?"

[Completed] Party of Destiny Book 12: While We Are Able To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon