Chapter 22

1.4K 48 3
                                    

PINAGBUKSAN ni Aina ng pinto ang kaibigang si Carla at hinayaan na lamang itong makapasok sa loob ng kanyang bahay. Naupo siya sa couch na nasa living area at muling inabot ang librong hindi matapos-tapos na basahin.

"Aina, nagpunta ako dito dahil sinabi sa akin ni Troy na kailangan mo ng makakausap." Narinig niyang wika ni Carla na naupo sa tabi niya. "Hindi ko alam ang buong nangyari sa'yo nitong nakaraang mga araw. Sinabi lang sa akin ni Troy na nakipaghiwalay ka sa karelasyon mo."

Naiinis na isinara ni Aina ang hawak na libro. Dalawang araw na simula nang paalisin niya si Winston sa bahay na ito. Dalawang araw nang hindi natitigil ang sakit at hapdi sa kanyang puso. Dalawang araw niya nang piniling mag-isa para subukang makalimot. She avoided all calls, all messages. Kung maaari niya lang paalisin ngayon ang kaibigan, ginawa niya na. Pero hindi niya nais na maging rude.

"Hanggang ngayon, wala ka pa ring nakahandang painting para sa susunod na event ng gallery," pagpapatuloy ni Carla. "Ano na ba talagang nangyayari sa'yo, Aina?" puno na ng pag-aalala ang boses nito.

"I..." Humugot siya ng malalim na hininga para palisin ang paninikip ng dibdib. "I... can't concentrate. I'm so hurt, Carla. I've never been hurt like this before, kahit noong maghiwalay kami ni Hiro. H-hindi ko na alam ang gagawin ko. G-gusto ko na siyang kalimutan, gusto ko nang alisin ang sakit na ito sa puso ko." Tuluyan na siyang napahagulhol sa harapan ng kaibigan.

Inabot ni Carla ang isa niyang kamay at hinawakan iyon ng mahigpit, trying to give her some comfort. "You love him so much, do you?" tanong pa nito.

Pakiramdam ni Aina ay may mga tinik na pilit tumutusok sa kanyang puso dahil sa katanungang iyon at dahil na rin sa sagot doon. Oo, mahal na mahal niya si Winston. At iyon ang dahilan kung bakit sobra-sobra ang sakit na kanyang nararamdaman dahil sa ginawa nitong panloloko sa kanya.

Bumuntong-hininga ang kaibigan. "Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng paghihiwalay n'yo niyang... niyang Winston na 'yan," ani Carla. "Tinanong ko si Troy kung pinagtaksilan ka niya, pero hindi naman daw. Kung mahal mo siya, bakit hindi n'yo ayusin ang kung anumang hindi n'yo pinagkakasunduan?"

Umiling si Aina. Ayusin? Paano niya maaayos ang patungkol doon?

"Mahal mo siya pero hindi mo magawang ayusin ang kung anumang sumisira diyan sa pagmamahal mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Carla. "Kung mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo siya hahayaang makawala kahit gaano kahirap pa ang sitwasyon."

Naiinis na napatayo si Aina. Hindi niya na gustong pag-usapan ang patungkol kay Winston. Gusto niya nang makalimutan ang nararamdaman para sa lalaki. "M-magpapahinga na ako, Carla," wika niya, pilit pinapapatatag ang sariling boses kahit gustong-gusto nang humagulhol ng pag-iyak. "S-saka na lang uli tayo mag-usap."

Wala na namang nagawa si Carla kundi ang tumayo at tunguhin ang pinto. Sinundan ito ni Aina hanggang sa makarating sa front door.

"I'm sorry," usal niya para sa kaibigan. Hindi niya gustong paalisin ito ng ganoon-ganoon na lamang, sobra-sobra lang talaga ang paghihinagpis na kanyang nararamdaman at hindi pa handang pag-usapan ang patungkol doon.

Lumingon sa kanya si Carla at tumango-tango. "Call me kung handa ka nang makipag-usap," mahinahong wika nito. "Tandaan mong nandito lang kami ni Troy para makinig sa'yo."

Tumango din si Aina at nagpasalamat sa kaibigan. Nang tuluyan na itong makaalis ay isinara niya na ang front door at nagpasyang magtungo na lamang sa sariling kuwarto para matulog. Sleeping was the only way to forget all the pains and sufferings she was experiencing right now.

Napatigil siya sa paghakbang nang mapatapat sa kuwarto na dating ino-okupa ni Winston. Muli na namang sumibol ang lungkot sa kanyang puso habang nakatitig sa pinto ng kuwarto. The house had been so quiet since she made him leave, it felt so empty. Hindi naman ganoon ang nararamdaman niya noon kahit mag-isa lamang siya dito.

[Completed] Party of Destiny Book 12: While We Are Able To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon