GINTONG SIRENA

1.4K 29 0
                                    

GINTONG SIRENA
Isinulat ni Alex Asc

Unang pagkakataon na sasama si Romeo sa paglalayag sa malawak na karagatan ng Atlantic Ocean. Mula sa pamumuno ng kinagisnan niyang ama na siyang bukod tanging nagpalaki sa kanya, ang tiyuhin niyang si Senior Sebastian.

Pagmamay-ari ng kaniyang tiyuhin ang Sebastian Treasure Hunting Group. Isa silang grupo ng mga hunter ng iba't ibang kayamanan.

Mayroon daw pinaniniwalaan ang kaniyang Tiyo Sebastian na isla ng mga sirena, kung saan lahat ng bahagi roon ay nagkikintabang iba't ibang palamuti at kayamanan. Ultimo raw buhangin ay gawa sa mga diyamante. At bawat kuweba ay yari sa ginto.

Matagal nang pinag-aaralan ng kaniyang tiyuhin ang lugar, at ngayon ay handa na raw itong puntahan ang isla upang maangkin ang lahat ng kayamanan doon.

Walang masyadong may alam ng nakatagong kayamanan sa isla. Si Sebastian lamang dahil sa kapatid niyang umibig ng sirena noon. Ikinuwento ng kaniyang kapatid ang kayamanan sa lugar na iyon. May mga larawang nagpapatunay sa nakakabighaning isla.

Isa kasing photographer nang araw na iyon ang kaniyang kapatid at 'yon din ang dahilan kung bakit nag-iikot iyon sa iba't ibang panig ng mundo. Hanggang sa lumubog ang barkong sinasakyan at napadpad daw sa isla ng mga sirena.

Matagal na araw ng pinaghandaan ni Romeo ang mga sandaling ito. Nais niyang makaharap ang mga sirena upang maningil sa kasalanang ginawa nila. Lumaki siyang may galit sa mga sirena at dahil 'yon sa pagkaulila niya. Lumaki siyang hindi nakagisnan ang tunay na mga magulang dahil sa pagpatay ng mga sirena sa kaniyang amang si Alexandro at inang si Veronica.

Pinaniwala siya ni Sr. Sebastian na dahil sa hindi matanggap ni Veronica ang babae ni Alexandro ay pinalayas niya ang babaeng sirena na iniuwi ni Alexandro noon sa isa sa kaniyang bahay. Nagalit daw ang sirena at kapwa nitong mga sirena kaya't minasaker nila ang mag-asawa, pati ang pinsan ni Romeo na si Sebastian Jr. ay nadamay raw kaya't ganoon rin katinde ang galit ng Senior sa mga sirena. Ngunit dahil natuklasan ng Sr. ang kayamanan ng kanilang isla ay nais muna niyang mapasakamay iyon.

Nakahanda na dapat sa paglalayag tungo sa dagat si Romeo kasama ng ilang mga tauhang nagsidatingan, pero hindi dumating ang Sr. May biglaan daw itong bussiness meeting na hindi puwedeng ikansela. Susunod na lamang daw siya gamit ang sariling barko.

Nakatanaw si Romeo sa katamtamang laking gagamitin nilang barko sa kanilang paglalayag sa laot. Hindi pa siya tuluyang nakakapanhik.

Maganda ang barko, bago at moderno ito, lahat na raw ng kailangan nila ay naroroon. Sa kasamaang palad, hindi rin dumating ang magmamaneho, 'yung assistant lamang niya na si Bojjok na medyo may kaalaman din ang dumating. Nangako naman si Bojjok na kaya niyang pangasiwaan ang barko habang nasa karagatan sila.

Nagpatuloy sila sa kanilang biyahe dahil na rin sa utos ng Senior.

Tumatanaw-tanaw lang si Romeo habang gamit ang telescope sa kahit saang parte ng dagat. Nagbabakasakaling makatanaw ng sirena o 'yung isla nila. Nang unti-unting dumilim ang panahon, lumakas ang ihip ng hangin, sumungit ang kapaligiran, humampas ang malalakas na alon at may namuong buhawi.

Nawalan na sila ng kontrol kaya't kung saan na napadpad ang kanilang barko. Ang masama pa ay nang magkabutas at mabiyak ang ilalim na bahagi ng barko. Labis na nagtaka si Bojjok kung bakit ganoon kabilis nasira ang parteng iyon ng barko. Bago pa ang pagpapagawa ng Senior. Baka nga may kakaiba sa ilalim ng dagat. Nagtuloy-tuloy ang paglubog ng barko at sa isang iglap ay tuluyan ng nilamon ng dagat.

Pagmulat ng mga mata ni Romeo ay labis siyang nagulat sa pangkat ng mga magagandang babae na nakaupo't nakapalibot sa kaniya. Nilalaro nila ang ilong, tainga at buhok nito. Tumuwid sila ng pagkakaupo upang hindi maharangan sa pag-upo si Romeo.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon