GAYUMA

562 14 0
                                    

GAYUMA
Isinulat ni Alex Asc

'Kapag gusto mo, sikapin mong makamtan' Iyan ang motto sa sarili nang babaeng si Regie Caniel Limor.

Wala daw siyang hindi naiibigan na hindi naaangkin. Nasa tao lang naman daw iyan kung paano pagsikapan at paano makakamtan.

Paano naman kaya sa larangan ng pag-ibig? Magtagumpay kaya siya?

Isang kilalang suplado ang guwapong si Allen sa kanilang campus. Walang nakakahuli sa kaniyang puso, halos lahat na ng mga babae sa kanilang eskwelahan ay nagpakita na ng motibo pero wa' epek pa rin kay Allen.

Bukod sa suplado ay basagulero pa ang binata. Lagi na lamang daw itong napapaaway. Ang sinasabi naman niya ay lagi raw siyang kinukursunadan, siya raw ang naaagrabyado at ipinagtatanggol lamang nito ang sarili laban sa mga taong mahihilig mam-bully.

Minsan nang binunggo ni Regie si Allen upang subukin kong mapapansin siya nito. Hindi naman niya tepo si Allen dahil may sarili siyang taste. Isa lamang pustahan mula sa kaniyang mga kaklasi iyon, kung mapapanindigan ba nito ang motto in life niya.

Well, tinulungan naman siya ni Allen sa mga libro pero noong inilahad ng dalaga ang kamay sa binata ay hindi nito inabot. Napahiya si Regie at pinagtawanan ng mga kallasi niya.

Minsan na rin niya itong nilapitan sa table ng canteen dahil nakikita niyang mag-isang walang imik ang lalaki, subalit nang maupo siya ay siya namang pagtayo ng lalaki at pag-alis roon. Halos binuhusan ng malamig na tubig si Regie sa kahihiyan. Nakatanaw kasi sa kaniya ang mga kaklasi at vinideohan pa siya.

Kaya't sa sobrang inis ay kinausap niya ang lalaki at pinrangka.

"Hindi ba ako maganda? Hindi ka ba naaakit sa akin? Bakit ang hirap magpapansin sa iyo!" Nagdadabog pa siya sa kaharap na lalaki. Pero hindi siya sinagot, sa halip tumalikod ang lalaki at naglakad palayo sa kaniya. Muli na naman siyang napagtawanan ng mga kaklasing nakatanaw sa kanila.

Napangiwi na lamang si Regie sa inasal ng lalake. Lahat talaga ng ginagawa niya ay baliwala sa lalaki pero sana man lang ay sumasagot, parang tanga lang at hindi talaga umiimik.

Naging hamon kay Regie iyon, nais niyang patunayan sa mga kaklasi na kaya niyang paibigin si Allen.

Isang plano ang nabuo sa isipan ni Regie, total alam niyang basagulero ito baka naman umubra na ang kaniyang plano upang pansinin siya nito.

Naglalakad na sa labas ng campus si Regie. Natatanaw niya si Allen na kakababa lamang sa jep at patungo sa School. Magkakasalubong sila, nang biglang mag-screen kay Regie ang mga lalaking nakatambay sa harap ng tindahan.

"Miss, ang ganda mo naman," bulalas ng isa.

"Miss, pansinin mo naman ako," dugtong ng isa.

Umiwas si Regie sa kanila pero hinawakan siya ng mga lalake.

"Miss, ang lakas ng alindog mo, alam mo bang matagal na kitang pinagpapantasyahan-" Malakas na sampal ang dumapo sa lalaking iyon.

"Pag-pantasyahan mo ang mukha mo!" Umaksyon ng suntok ang lalaki pero hindi na nakagalaw ang kamao ng hawakan na ni Allen na sa puntong ito'y nasa tabi na nila.

"Sino ka?!" galit na wika ng lalake. Subalit blangko ang reaksyon ng mukha ni Allen.

Agad sumapak ang lalaki pero nasangga ni Allen, nagsunod-sunod na ang suntukan sa pagitan nila. Pumapalakpak si Regie dahil napatumba ni Allen ang mga iyon.

"Maraming-maraming salamat." Habang naglalakad na namang palayo si Allen In-ovetake-an ni Regie iyon upang matigil ang lalaki, ganoon naman ang ginawa ng lalaki. Idinipa pa ni Regie ang mga kamay upang hindi makalusot.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon