MALING IMBENTO

455 15 0
                                    

MALING IMBENTO
Isinulat ni Alex Asc

Ilang araw nang nawawala si Jissie.

Labis-labis na rin ang pag-aalala ni Joshua sa nakababatang kapated.

Ilang ulit na siyang tumawag sa Manila upang itanong sa kanilang Yaya kung umuwi ba roon si Jissie, pero sinabihan niya ang katulong na ilihim sa kanilang mga magulang dahil ayaw niyang mag-alala sila. Lalo't may sakit sa puso ang kanilang ina.

Pero wala raw roon. Pati sa mga kaibigan ni Jissie at kakilala ay naipagtanong-tanong na ni Joshua ang tungkol sa kapated pero ang sinasabi lang nila ay hindi raw nila alam kung nasaan. At ang ilan ay sinasabing hindi ba't silang dalawa ang dumayo sa lugar na kinaroroonan niya ngayon.

Hindi na rin makontak ang number ni Jissie. Umapela na rin siya sa mga police sa lugar na ito. Nangako naman silang hahanapin nila ang maaaring kinaroroonan ng kaniyang kapated.

Trip lang naman kasi ng dalawa na mag-out-of town. Brother bonding daw. Ibabalik lang nila ang dating mga sandali noong mga bata pa sila.

Mahilig silang sumakay ng Ferris wheel noon. At dahil mayroong itinayo sa isang malaking Peryahan sa Batanggas at medyo natatanaw pa ang taal volcano ay doon nila napiling mag-joy-ride.

At 'yon nga, pagkagising niya sa tinutuluyang hotel ay wala na roon ang kapated. Tinatawagan pero nakasara raw ang cellphone at maging ang mga staff ng hotel ay hindi alam kung saan pumaroon. Nakita sa camera na lumabas iyon bandang umaga pero hindi na nga nakabalik.

Sa kakalibot sa kapaligiran, ay tinawagan na rin ni Joshua ang isa sa tropa nitong si Ailex. Baka naman may maitulong sa kaniya. Total part of batanggas lamang daw naninirahan iyon.

Nangako naman iyon na pupuntahan siya sa kinaroroonang lugar.

Tanghaling tapat na habang patuloy sa paglalakad si Joshua at ipinagtatanong ang kapated sa mga tao habang hawak ang larawan. Sa loob ng tatlong araw na hindi pa nahahanap ay hindi pa rin siya tuluyang sumusuko.

Nadaanan niya ang isang madungis na lalaking tila baliw. Nakaupo ito sa gilid ng kalsada, at nasa kasagsagan ng init. Kahit baliw ay hindi niya pinalagpas. Ipinakita nito ang larawan dahil baka sakaling may alam ito. Tinitigan naman ng lalaki at makaraan ang ilang sandali ay tumatawa na ito.

Napailing na lamang si Joshua. Humakbang na siya upang lumayo. Nang mag-ingay ang lalaking baliw at umaksyon paturo kung saang dako.

Tinanaw ni Joshua ang wari sinasabi ng lalaki. Sa isang malaking compound. Malaking bahay at makaluma ang desenyo na tulad ng bahay ng mga kastila.

Sinipat niya ng tingin ang lalaking baliw, baka mamaya kasi ay basta na lamang itong nagsasabi ng mali. Makagawa pa siya ng maling move. Tumalikod ulit siya at naglakad na.

Habang binabagtas niya ang kalsada ay natigilan siya sa pag-apak. Nilingon ulit niya ang malaking bahay. Sumagi sa isipan niya...

"Paano kaya kung nagsasabi 'yon ng totoo?" anang isipan ni Joshua.

Hindi na siya nagsayang ng oras, pinuntahan niya ang compound. Kumatok siya pero walang sumasagot ni isa. Sinubukan niyang itulak ang malaking gate. Nagbukas naman iyon.

"Tao po, may tao po ba rito?" Mahina ang bawat lakad niya papasok dahil baka mamaya ay magalit ang may ari ng bahay. Bahagya pa niyang binalikan ng tanaw ang baliw. Nakatanaw rin iyon sa kaniya at sinisinyasan siyang pumasok.

Ibinalik niya ang gate sa dati nitong porma. At unti-unti na siyang humakbang papasok.

Tumatawag pa rin naman siya pero wala talagang sumasagot.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon