ANG PRINSESA AT ANG LOBO
Isinulat ni Alex AscTakot na takot habang tumatakbo sa masukal na kakahuyan ang Prinsesang si Wajendal. Hinahabol siya ng mabangis na asong gubat.
Nasa kalagitnaan siya ng pagtakbo nang lumukso ng malakas ang asong gubat. Halos sumubsub pa siya sa paghinto habang nakaabang ang aso sa kaniya dahil nalagpasan siya nito. Subalit dumating ang tulong mula sa malaking Lobo na kulay itim.
Tinakot lamang ng Lobo ang asong gubat sanhi upang mapatakbo palayo.
Sa kabila nito'y nanginginig ang prinsesa habang papalapit sa kaniya ang mabangis na Lobo. Pero naglaho ang kaniyang takot ng ngumiti iyon at nagsalita.
"Ipagpatawad mo kung tinakot man kita, mahal na Prinsesa." Yumukod pa ang Lobo tanda ng paggalang.
"Nakakapagsalita ka?" nakangiting tanong ng Prinsesa. Tumango naman ang Lobo bilang pagsagot.
Nagpakilala ang Lobo sa pangalang Mico. 'Ayon sa kaniya, matagal na raw niyang nais makipagkaibigan sa Prinsesa pero sadyang mailap daw ito dahil sa katayuan nito sa buhay.
Hinanap nila ang matandang tagapangalaga ng Prinsesa na si Manang Molina.
Dahil kasi sa pangungulit ng Prinsesa na lumabas at pasyalan ang kapaligiran ng walang kasamang kawal ay pinagbigyan siya ng matanda.
Idinaan ang Prinsesa sa sekritong daan sa likuran ng palasyo, subalit habang namamasyal ay naka-engkwentro nga nila ang mabangis na aso. Nagkahiwalay sila kaya't ngayon ay hinahanap ng dalawa ang matanda.
Natagpuan naman nila iyon at laking pasasalamat ng matanda dahil hindi napahamak ang Prinsesa, kundi, baka maparusahan siya ng kamatayan mula sa mahal na Hari.
Protektado at mahal na mahal ng Hari ang nag-iisang anak na si Prinsesa Wajendal. Kaya naman ayaw niyang hayaang makalabas mag-isa dahil naglipana ang mababangis na hayop sa kagubatan. Ayaw niyang mapahamak ang anak.
"Maraming-maraming salamat," anang matanda sa Lobo. Sa halip na umuwi si Wajendal ay nangulit pang ituloy ang paglalakbay sa kapaligiran, total nandiyan naman ang kaibigang Lobo na handa siyang sagipin.
Wala na tuloy nagawa ang matanda kundi umayon.
Kumalat na ang karimlan nang dumating sila sa palasyo. Akala ng Hari ay nasa silid lamang ang anak na Prinsesa at mabuti't walang nakahuli na kawal sa kanila.
Kinabukasan, nagmumuni-muni lamang ang Prinsesa sa malawak na Terras nang matanaw nito ang kaibigang Lobo na nagpapasalin-salin sa malalaking puno.
Natatawa siyang pagmasdan ang wari pakikipaglaro nito sa mga kawal. Napapalingon na lamang ang kawal dahil sa ingay na nabubuo ng Lobo tuwing tatakbo iyon sa ibang puno. Tumanaw ang Lobo kay Prinsesa at nginitian niya ito.
Nagtangka na naman ang Prinsesa na lumabas ng kaharian. Dahil panatag ang mga kawal ay hindi nila namamalayan na nakakalabas pala ang prinsesa sa palasyo.
Muli nag-iikot-ikot na naman sila ng kaibigang Lobo.
Nagulat si Prinsesa Wajendal nang magkatawang tao ang Lobo. Isang makisig na binata at kakakitaan ng angking kagandahang lalaki.
"Pasensya ka na Prinsesa kung naglihim man ako sa iyo," sabay yukod ng ulo nito, pero pinigilan siya ng Prinsesa at pinatayo ng tuwid.
"Hindi kita kawal, hindi mo na ako dapat tratuhin ng ganiyan. Ituring mo ako bilang kaibigan mo," anang Prinsesa sa taong lobo na si Mico.
Naulit nang naulit ang kanilang tagpo, hanggang sa nalaman ng Hari ang kaniyang ginagawa. May nakakitang mga kawal na kasama nito ang mabangis na Lobo.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 6
HorrorMGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 6 MGA SHORT STORIES NI ALEX ASC MGA NILALAMAN 1 - Gintong Sirena 2 - Sinehan 3 - Gayuma 4 - Horror drugs 5 - Ang Prinsessa at ang Lobo 6 - Palaka family 7 - Playboy karma 8 - Pagmamahal ng Aswang 9 - Barkada 10-Ma...