PAGMAMAHAL NG ASWANG
Isinulat ni Alex AscAyaw na sanang hanapin ni Katrina si Jestoni, subalit naisip niyang masyado siyang naging masama sa pakikitungo rito. Sa kabila ng pagsagip sa kaniya ay hindi niya tinrato ng maayos ang lalaking aswang.
Napag-isip-isip niyang hanapin iyon, upang mag-sorry, makumusta, at masabing may nabuong sanggol sa kaniyang sinapupunan. At ang mas higit ay nais niyang makasamang muli ang lalaking minahal niya sa sandaling panahon na nagkasama sila.
Hindi niya alam kung saan magsisimula, pero kapag nagkaroon siya ng pagkakataon ay hahanapin na talaga niya ang lalaki.
Sa loob ng apat na buwan ay nakaumbok na ang kaniyang tiyan. Kaya't minsan may hindi siya nararamdamang mabuti sa kapaligiran, lalo na kapag matutulog siya. Parang may nakamasid sa kaniya. Ikinunsulta niya iyon sa kaibigan, at ang sabi ay baka may aswang na umaali-aligid sa kaniya.
"Naku, mag-ingat ka. Paborito ba naman ng mga aswang ang sanggol sa sinapupunan," anang kakilala niyang Ginang.
Imbes na malungkot ay napangiti pa tuloy siya. Ang naiisip kasi niya ay baka nga nandiyan lang sa paligid si Jestoni at binabantay-bantayan siya. Sila ng magiging anak nilang dalawa. Napangiti na lamang siya sa kalikotan ng isipan.
"Kung nandiyan ka man, sana magpakita ka sa akin..." nanulas sa dila ni Katrina.
Isang gabi, napaaga ang kaniyang tulog. Hating gabi na ng maramdaman niya ang wari kumakalikot sa kaniyang tiyan. Inililis no'n ang kaniyang damit. Nakaramdam siya ng kiliti sa hatid na sensation, kaya't nagising siya.
Pagmulat niya ng mata ay napasigaw pa siya. Nakalambitin ang mahabang dila mula sa bubungan ng bahay at kitang-kita niya ang babaeng aswang na nakasilip roon.
Napasigaw siya pero maagap siya dahil nahablot niya ang katabing kutsilyo. Hinawakan niya ang dila ng mahigpit at nilaslas gamit ang kutsilyo.
Umaatungal ng malakas ang aswang habang pinuputol niya ang dila. Nagawa nga niyang maihiwalay iyon. Naramdaman niyang lumipad ang aswang subalit nalagalag rin ito sa katabing bahay.
Mabilis siyang lumabas at natanaw niyang sinusubukan ng babae na lumipad, habang duguan ang bibig. Dumating ang mga tao at pinagtataga ang babae.
Nasa loob na ng kulungan ng mga pulis ang aswang. Anyong normal na rin ito. Marami ang hindi pa rin makapaniwala mula sa mga taong nakasaksi sa aswang. Hindi lang pala haka-haka o kuwentong bayan kundi makatotohanan pala sila. Hindi lamang nasa probinsya kundi maaaring nasa siyudad at nakapaligid lang sila sa 'yo ng parang normal ring tao. Nakikihalubilo, nagtattrabaho at namumuhay ng ordinaryo.
Nakalap niya sa impormasyon mula sa pulis kung tagasaan ang babae. Pinuntahan niya ang nererentahan nitong bahay. Pati mga kapitbahay roon ay hindi makapaniwala tungkol sa pagkatao ng babae. Wala raw kaanak ro'n ang babae. Nangungupahan lamang daw at nagtattrabaho sa isang chinise restaurant. Subalit ipinagtanong ni Katrina ang probinsya at nasagot naman siya.
Hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Nasa probinsya na nga siya ng naturang babae. Hindi niya natagpuan ang mga magulang ni Rosalie, subalit may ibang nagpatuloy sa kaniya. Ang mag-asawang Mang Lucas at Aling Barbara. Matatanda na ang pareho at walang anak.
Ginabi na kasi sa pagtatanong si Katrina, sa kakahanap kay Jestoni. Kaya iminungkahi ng dalawang matanda na makituloy sa kanila, dahil nanganganib siya sa labas.
Saka niya naisip ang kabobohan niyang babae. Sa pagnanais na mahanap si Jestoni ay hindi niya inisip ang susuunging panganib, na baka pati anak niya ay mapahamak. Hindi niya naisip na pupunta siya sa bayan ng aswang at makikituloy sa kanila.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 6
HorrorMGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 6 MGA SHORT STORIES NI ALEX ASC MGA NILALAMAN 1 - Gintong Sirena 2 - Sinehan 3 - Gayuma 4 - Horror drugs 5 - Ang Prinsessa at ang Lobo 6 - Palaka family 7 - Playboy karma 8 - Pagmamahal ng Aswang 9 - Barkada 10-Ma...