GANTI NG KATI
Isinulat ni Alex AscIsang kerida lamang si Kamila, subalit kung panghawakan niya ang nobyo na si Salasar ay parang siya ang legal na asawa nito.
Grabe ang nagiging palitan nila ng maanghang na mensahe ni Wenny, ang totoong asawa.
Nagmimistulang fliptop ang banatan ng dalawa, tulad na lamang ng 'Pina ka lang pero hindi ka bet.
Subalit hindi sumusuko si Wenny na makabalik ang asawa sa piling niya, lalo't madami silang mga anak.
Sa side naman ni Kamila ay tulad ng lagi niyang sinasabi na hindi lahat ng kabet ay nasa mali. Sila lamang daw ay nagmahal at biktima lamang ng tinatawag na pag-ibig.
Wala naman raw silang alam na pamilyado na pala ang lalaki bago makipagrelasyon. Matapos raw silang gamitin ng lalaki ay hindi raw ganoon kadaling pakawalan iyon.
Ano daw ang paki niya kung may asawa na si Salasar, basta't para sa kaniya, siya ang bago at mahal nang lalaki.
Dahil siguro sa kakapanood niya ng iba't ibang teleserye ng mga TV channel tungkol sa mga kwentong kabitan at agawan ng asawa ay tuloy masyado nang malakas ang kaniyang loob upang ipaglaban ang mali.
Pinanghahawakan rin niya ang pangako ni Salasar na hindi siya iiwan, at mahal siya. Tama, mahal naman siya, kasi kung hindi siya mahal bakit nasa piling niya ang lalaki, bakit hindi umuuwi sa sariling pamilya.
Oo, at hawak niya ang lalaki at hindi niya hinahayaang pumunta sa legal. Subalit nasa lalaki pa rin naman ang desisyon. Kung gugustuhin nito, may paraan lagi. Hindi 'yung isang mainit na halik lamang ang dumantay at kaunting lampungan ay nababago na agad ang isipan ng boyfriend.
"Ang mga lalaki talaga, kama lang ang katumbas, bibigay na sa bitag," aniya sa sarili. Subalit hindi man lamang niya naiisip na tanging maikama lamang at maging paraosan ang habol ni Salasar sa kaniya.
Hanggang sa tuluyan na ngang umalis si Salasar nang hindi nalalaman.
Akala niya'y katulad noong mga unang pagsasama nila, na tatakas lamang upang bumisita kay number one at babalik rin.
Pero nag-iwan ng liham ang lalaki na tinatapos na nito ang kanilang relasyon.
Halos gumuho ang mundo ni Kamila. Nagdilim ang kaniyang paligid at naiyak na lamang siya, subalit tumayo siyang galit na galit. Ipaglalaban daw niya ang para sa kaniya. Babawiin niya si Salasar.
Para na siyang baliw na sinusugod ang tinitirhan ng mag-asawa.
Kinalampag niya nang kinalampag ang tarangkahan na gawa sa kawayan, halos masira na iyon habang malakas ang boses nitong nag-iiskandalo.
"Salasar! Lumabas ka diyan, P*tang*na mo! Matapos mo akong pagsawahan ay tatago-tago ka diyan," Nagsilabasan na rin ang mg kapitbahay na nakikiusyoso sa nagaganap na ingay.
Lumabas naman ang tila sasabog sa galit na si Wenny.
"Hoy! Makating halupirot! Tantanan mo ang asawa ko ah! Wala kang karapatan sa kaniya!" gigil ni Wenny.
"Ako ang mahal ni Salasar! Hindi siya liligaya sa iyong laos ka! Please! Ibigay mo na siya sa akin!" Napabuga na lamang sa kawalan si Wenny sa kakapalan ng mukha ng kiredang ito.
Nang oras ding iyon ay lumabas na rin si Salasar at kinausap si Kamila. Pero binuksan ni Wenny ang pintuan at sinabihang doon kausapin ang babae sa loob. Ipasok ito sa loob ng pamamahay nila.
Naiisip kasi niyang baka magsalita naman si Salasar nang magandang bagay para kay Kamila at mapahiya pa siya sa mga kapitbahay, kaya't minabuti na lamang niyang papasukin. Saktong wala ang mga bata dahil pumasok sila sa paaralan.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 6
HorrorMGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 6 MGA SHORT STORIES NI ALEX ASC MGA NILALAMAN 1 - Gintong Sirena 2 - Sinehan 3 - Gayuma 4 - Horror drugs 5 - Ang Prinsessa at ang Lobo 6 - Palaka family 7 - Playboy karma 8 - Pagmamahal ng Aswang 9 - Barkada 10-Ma...