PALAKA FAMILY
Isinulat ni Alex AscLaging nililibak-libak at nilalait-lait ang pamilya ni Manolo, dahil sa kakaiba nilang mga itsura.
Tinatawag silang Palaka Family dahil sa anyo nilang halos kawangis na ng mga palaka.
Malalaki ang mga mata, at malalapad ang bibig at matatabang leeg na halos sa palaka pinaglihi.
Silang isang Pamilya ay halos magkakahawig na rin sa itsura, nagkakaiba lamang sila sa kani-kanilang laki, taba, edad, at kasarian.
Hindi rin nila sinasagot ang tanong ng mga nakakakita sa kanila, kung bakit magkakakambal sila ng itsura? Ayaw na nilang patulan ang ginagawang pang-aapi ng mga kapitbahay.
Minsan masyado na ring masakit para sa kanila, kasi naaapektuhan ang kabuhayan nila at ang mga anak ng mag-asawa.
Walang nakikipaglaro at nakikipagkaibigan sa mga bata. Minsan sasabihin rin ng kapitbahay na huwag bibili ng mga inaani nilang palay na pananim dahil baka malason pa ang bibili. Ngunit mabuti na lamang at naibabagsak pa rin ni Manolo sa Mercado.
"E, nakakadiri ang mga itsura... mga palakang nagkatawang tao," nandidiring wika ng isang babae.
"Magkakakambal na mga palaka, pati mga anak nila'y kakambal rin nila," sabat naman ng dalagitang tumatawa.
"Bakit kaya nagkaganyan sila 'no?" kunwari napapaisip ang isang bading.
"Baka naman isinumpa o 'di kaya'y baka nabuhusan ng asido..." hula naman ng matabang babae.
Iilan lamang iyan sa masasakit na salitang dinaranas nila sa mga tao.
Subalit nagtitimpi ang mag-asawang Manolo at Lorena. Dahil tama naman kasi ang sinasabi ng mga tao. Hindi naman sila palaka, pero mga mukang palaka talaga. Pinipilit lang ni Manolo na pasayahin ang sariling pamilya sa pamamaraan niya.
Hindi na rin sila madalas makihalubilo sa mga tao. Hindi na rin niya pinag-aral ang apat na mga bata, dahil paniguradong aapi-aapihin lang sa paaralan. Kaya ang buong pamilya nila ay sa bahay lamang at sa pagtatanim ng mga palay nagkakaabala.
Malayo-layo rin sila sa kanilang mga kapitbahay. Mabuti na rin iyon para hindi sila nakikita lagi ng mga iyon.
Mapapadpad lang sila roon kapag may bibilhin sila sa tindahan. Pinagbibilhan naman sila dahil sayang rin ang kikitain ng tindahan.
Isang araw, may sakit si Manolo, at ganoon din ang kaniyang asawa, kung kaya't hindi siya makapunta sa tindahan upang bilhin ang pangangailangan nila, kaya't ang ginawa nila ay inutusan nila ang kanilang mga anak.
Pumunta pa roong magkakasabay ang tatlong batang lalaki upang hindi sila magawang apihin ng ibang mga bata roon. Iniisip kasi nila na kapag tatlo sila ay baka mangamba ang mga bata at hindi sila galawin ng mga iyon. Pero pagdating pa lang doon ay nakatanggap na sila ng maraming panlalait.
Hindi pa nakuntinto ang mga bata roon dahil nang papauwi na ang magkakapated ay hinarangan sila ng mga iyon.
"Hoy! Mga palaka! Bakit kayo pumupunta rito? Bawal kayo rito!" sigaw ng isang bata sa kanila.
Hindi na sana papansinin ng magkakapated pero pinagpipitik sila sa kanilang tainga, pinagsisipa at pinagsasapak sa mukha.
Napaiyak ang magkakapated at hindi na nakatiis ang panganay na nasa labingdalawang taong gulang na si Jemuel.
Pinagsusuntok niya ang katunggali at hindi niya lubos akalain na ganoon pala kalakas ang kaniyang suntok. Napapaaray sa sobrang sakit ang natatamaan niya. Dahil sa nangyari ay mas lalong nagalit ang maraming bata. Pati ang mga maliliit na kapated ni Jemuel ay dinumog nila at pinagsasaktan.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 6
TerrorMGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 6 MGA SHORT STORIES NI ALEX ASC MGA NILALAMAN 1 - Gintong Sirena 2 - Sinehan 3 - Gayuma 4 - Horror drugs 5 - Ang Prinsessa at ang Lobo 6 - Palaka family 7 - Playboy karma 8 - Pagmamahal ng Aswang 9 - Barkada 10-Ma...