BARKADA

504 19 2
                                    

BARKADA
Isinulat ni Alex Asc

You guys... ano nga ba sa inyo ang meaning ng barkada?

Kasi para sa akin, ito 'yung part ng life ko na masasabi kong happiness.

Naranasan niyo siguro ang teenager time, highschool life at barkada moment.

Sila lang naman 'yung nagiging katuwang mo sa kalokohan, kasiyahan, kalungkutan, at kainlaban.

Masarap magkaroon ng barkada, mga kaibigan na handa kang damayan sa lahat ng mga suliraning pinagdadaanan mo. Makisalo sa mga kasiyahan sa buhay mo.

Masarap gumimik, mag-adventure at maglakwatsya't maglaro kasama nila. Kaya't kung sinong relate sa word na barkada, this my story is for you guys. Kuwento ng pagkakaibigan.

Ako nga pala si Bam. At ito ang itinuturing kong tropa.

Joaquin, Aldren, Angellah, Cheeny, Dino, Catheryn, at Ellah.

Isama ko na rin sa kuwento sina James, Jenny, Leo, Ronnie, Claire, Wendy, Miss. Agatha at Yaya Melay.

Kasi nga, hindi buo ang kuwento kung walang ibang cast. Walang love-triangle at walang kontrabida o asungot.

Bawat isa sa amin, may kaniya-kaniyang kuwento. Kuwento ng family, mga trials, pagkakaibigan na nauwi, sa pag-iibigan. 'Yan kasi ang madalas ngayon. Blah blah blah. Anyway...

Marahil, kung mayroon man sa kanila ang may simpli lamang na kwento, ay siguro ako.

Ako lang naman kasi ang funny sa grupo nila, pero this time guys... seryoso mode muna ako para ilahad ang kuwento ng life namin. You just call this a short story. A simple short story na punong-puno ng elements of love. Ayaw ko nang pahabain. Tamad ang writter niyo magsulat ng novel e. 😂😂😂

Seriously... so ito na.

I wanna share first the story kung paano nga ba nabuo ang pagkakaibigan naming ito.

Siguro, just elementary days. Grade 2 sa school. Mga paslit pa yata kami noon at magkakaklasi sa School.

Birthday party lang naman ng pinakamayaman sa amin na si Catheryn. They are invited us sa bongga niyang party.

Marami kaming dumalo at naki-join sa celebration. Ako, si Joaquin, Angellah, Cheeny, Ellah at James. That time kaklasi pa namin ang isa't isa, kasama rin ang mayaman ring half British na si James. Nandoon na si Aldren kasi pinsan siyang buo ni Catheryn.

Tapos, may mga clown magician. Iba't ibang tricks ang pinapakita nila saamin. Pati mga circus at tumbling ay hindi nila pinalagpas, just to have fun.

Masaya kaming naroroon kasama ng kaniya-kaniya naming Yaya. Tapos may bigla na lang nag-declare na kidnap 'to. Naglabasan ng mga baril ang mga clown. Nagsidapaan ang mga tao at pati mga yaya ay nakalimutan na rin kami.

Binuhat kami ng mga clown at dinala sa labas ng gate. Tapos ang Yaya ni Catheryn na si Yaya Melay ay hindi pumayag na hindi makasama. Ayaw niyang bumitaw sa mamang clown kaya't isinakay rin kame.

Bali siyam kaming binuhat nila at isinakay sa kanilang van. Sigawan kami at iyakan guys... feeling namin, katapusan na namin.

Then while we are in the road. May dalawang batang muntikan nang masagasaan. Tumawid sila sa daan kaya't nahinto ang van. Nakita ko si Dino at kaibigan niyang babaeng si Claire na nakatingin sa van. Mukang nakita nila kami sa loob. Kaya't imbes na umalis ang dalawa ay hawak kamay pa silang humarang sa gitna ng kalsada.

Bumusina na ang van pero hindi sila nagpatinag. Mga mababait na bata at mga bayani. Sa inis ng driver ay muntikan na niyang paandarin ang sasakyan upang sagasaan sila. Pero hindi niya nagawa dahil ang utos ng lider nila ay dakipin rin at isama. Kaya't 'yon nga ang nangyari.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon