TAGAHANGA
Isinulat ni Alex AscIsang maganda at sikat na singer/ actress si Jessa, kaya naman marami ang humahanga sa kaniya.
Hindi siya ganoon katagal sa showbiz subalit mabilis ang kaniyang pagkinang.
Katunayan, kapag may concert ay sold-out ang mga tiket at dagsaan ang mga fans. Halos naiipit siya at to the rescue ang mga body guard niya sa pagkakandarapa ng mga kalalakihan sa kaniya, habang papasok siya sa Araneta dahil sa concert niya.
Actually, nagtitimpi lamang siya at inis na inis siya sa ina-acting ng mga tao sa kaniya. Kung hindi lang maaapektuhan ang career niya ay 'di sana nagtaray na siya.
Isa na sa kaniyang masugid na tagahanga si Tyrone. Isang lalaking may kalakihan ang katawan, matangkad, matipuno, may malaking suot na eyeglass, at naninilaw na ngipin.
Abnormal o kulang sa pag-iisip ito. Halos si Necholas ng Betty La fia kung ilarawan si Tyrone. Mas guwapo pa yata si Necholas kesa sa kaniya.
"Miss, Miss, Fant moko... he-he... papirma ako, autograph," wika ni Tyrone sa unang tagpo nila.
Pinasadahan ng tingin ni Jessa dahil sa hindi kaaya-aya nitong itsura.
Magulo na ang buhok nito, at nakatabingi pa ang suot na salamin, naka-long-sleeve polo stripe, at naka-insert ang long brown slack n'ya na hanggang kaitaasan ng tiyan, habang sumisinghot-singhot pa.
"Napakaganda mo talaga, clath na clath kita," pabulol-bulol pang wika ng lalaki habang ina-abot kay Jessa ang dalang FHM Magazine kung saan si Jessa ang cover sa front page.
Inabot naman ni Jessa at pinirmahan.
"What is your name?," may pagkukunwaring ngiti ni Jessa sa kaharap na lalaki.
"I'm, I'm Tyrone Gulliath, your number 1 fan," matawa-tawa niyang pagpapakilala.
"Okay, here's my autoghraph, nice to met you, be careful, ah." Sabay abot ni Jessa ng magazine na iyon.
"Yes po, but please, can i taste your lips," pahirit pa ni Tyrone.
Natigil naman si Jessa. Hindi n'ya alam kong dapat ba niyang pagbigyan ang lalaking ito, lalo pa't naninilaw na ang mga ngipin na halatang hindi nag-toothbrush ng ilang araw.
"Pagbigyan mo na girl, kakaiba 'yan, baka may magic kiss 'yan," natatawang tudyo ni Laika kay Jessa, ang kaniyang P.A.
"Sige Tyrone, Just close your eyes, and i'm gonna kiss you, okay," malambing na tinig ni Jessa na ikinasaya naman ni Tyrone. Bahagya pa itong tumalon-talon.
"Tige!" nasasabik na wika ni Tyrone, sabay pikit mata at nguso ng labi.
Napalunok naman si Jessa.
Ngunit agad niyang hinila si Laika, at itinulak kay Tyrone kaya't sumubsub si Laikay kay Tyrone habang nakapikit ang huli na sinalo ito't hinalikan sa labi.
Gusto pa sana umalis ni Laika pero mahigpit nang hawak ni Tyrone ang magkabilang pisngi at sinisiil na n'ya ng halik si Laikah.
"Hmm talap-talap!" 'Di magkamayaw sa saya si Tyrone sa nalalasap.
Makalipas ang ilang oras na pagbibigay aliw sa mga manonood, ay paalis na rin si Jessa. Sakay na siya ng Van nila kasama si Laikah habang inaantay na lang ang Talent Manager n'ya.
Nang biglang dambahan ni Tyrone ang bintana ng Van, at idinikit ang mga mata sa salamin. Inaaninag niya ang loob habang pumipinta sa mukha ang labis na galit.
Kinilabutan naman agad si Jessa.
"Sira-ulo 'yan, Ma'am ah! Labasan ko na ba!?" hinging permisyo ni Waldo. Ang driver n'ya.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 6
HorrorMGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 6 MGA SHORT STORIES NI ALEX ASC MGA NILALAMAN 1 - Gintong Sirena 2 - Sinehan 3 - Gayuma 4 - Horror drugs 5 - Ang Prinsessa at ang Lobo 6 - Palaka family 7 - Playboy karma 8 - Pagmamahal ng Aswang 9 - Barkada 10-Ma...