HORROR DRUGS

518 15 0
                                    

HORROR DRUGS
Isinulat ni Alex Asc

Ilang araw nang may namamataan ang taong bayan na lumilipad-lipad sa ere at namimiktima ng mga buntis na babae.

Sinasabi ng magkakabaryo na may aswang daw na gumagala-gala at nag-aanyong malaking ibon upang makapamiktima ng mga babaeng buntis. Ang paborito raw niya ay ang mga fetus sa sinapupunan ng mga babae.

Ilang araw nang nakikisimpatya ang magkakabaryo dahil sa hatid nitong panganib sa kanila.

Kamuntikan na raw nitong mabiktima si Shiela. Isang buntis. Sa mga oras na iyon ay mag-isa sa kanilang bahay. Mabuti na lamang at dumating daw ang asawa, kinuha ang itak at pinagtataga ang mahabang dila ng Aswang. Napaigik pa daw ang aswang at lumipad sa ere.

Sa mga nangyaring iyon ay nag-iingat na ang taong-bayan. Buong magkakalapit na baryo ang naghahanda upang dakipin ang salot na nilalang.

Si Steve, isang may concern para sa nagaganap sa kaniyang mga kababaryo. Matagal na niyang nais dakipin ang babaeng aswang. Binantaan na raw niya iyon pero hindi pa rin tumigil.

Gamit ang kaniyang natatanging taglay ay wawakasan na niya ngayong gabi ang buhay nito.

Sa magkakalapit na bahay sa isang baryo ay may bukod tanging nasa sulok at medyo may kalayuan sa bahay ng marami. Ang bahay ni Aling Duday.

Si Aling Duday ay medyo may katandaang nakatira roon at wala ng pamilya. Hindi na matandaan ng magkakapitbahay kung kailan roon dumating si Aling Duday. Basta isang araw kapitbahay na lamang daw nila iyon. Hindi naman kasi madadamot ang magkakabaryo upang palayasin siya roon, kaya't hinayaan nilang manirahan roon.

Ngayong gabi nga, tutuldukan na ni Steve ang paghahasik nito ng lagim.

Dumating si Steve sa bakuran ng matanda. Nagpalinga-linga muna sa paligid, bago marating ang bahay. Malakas ang pagsipa niya sa pintuan upang magbukas iyon. Napatayo naman agad si Aling Duday sa gulat mula sa pagkakatulog.

"Ngayong gabi, matatapos na ang iyong kasamaan!" Lalapit na sana si Steve habang hawak nito ang itak nang biglang magpalit ng anyo si Aling Duday.

Isang nakakatakot na aswang na may mahahabang pakpak, hawig panike ang mukha at matutulis ang kuko. Pati dila ay humaba na rin.

Ibinato niya ang mahabang dila kay Steve. Tumilapon pa si Steve sa labas dahil sa lakas ng pagkakatama. Muling bumangon si Steve subalit niliparan siya ng aswang na si Aling Duday.

Pinagkakalmot siya, gan'onpaman, ay lumaban siya sa pamamagitan ng itak nito. Iwinasiwas niya iyon at sa kasamaang palad ay naputol niya ang magkabilang pakpak ng aswang. Napadaing ang aswang sa labis na sakit na dinarama.

Umatras ang aswang at lumayo sa kaniya. Pina-atake naman nito ang mahabang dila upang ipolupot kay Steve pero sinalubong ni Steve ng itak.

Sa ilang wasiwas na ginawa niya ay ilang bahagi rin ng pagkakahiwa ng dila ng aswang ang nalaglag sa lupa. Labis nang umiiyak ang aswang. Tatakas na sana pero hinagis ni Steve ang itak kung kaya't napaigtad ito. Bumaon pa ang itak sa likuran ng aswang at lumabas sa dibdib ang dulo ng itak.

Hinila ni Steve ang bangkay ng aswang at inilagay sa damuhan na nasa centro ng kanilang baryo.

Tulog pa ang mga kababayan ni Steve. Saka na niya sila gigisingin kapag natapos na niya lahat ng mission niya.

Ang kasunod niyang papaslangin ay walang iba kundi ang kaibigan niyang si Jolo. Si Jolo ay pinaniniwalaan niyang Bampera. Kakagaling lang ng lalake sa Italy dahil nagtrabaho roon bilang driver. Sa kasamaang palad ay natamo ni Jolo roon ang pagiging bampera. Wala pang nakakaalam sa sektretong iyon, maliban lamang kay Steve.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon