LABIS NA KATAKAWAN

388 12 0
                                    

LABIS NA KATAKAWAN
Isinulat ni Alex Asc

Labing dalawang taon pa lamang si Nonoy, pero kung titingnan, ay para na siyang Disi-otso anyos. Matangkad kasi siyang bata at bukod doon ay napakataba pa niya. Napakatakaw ka si niya.

Limang beses kung kumain ng kanin sa isang araw, tatlong plato kada kain, isang buong litson manok ang kayang ubusin, isang pitsel ng juice na inumin. Hindi pa roon kasali ang mga checheria at iba't ibang junk food, pati mga chocolate, tinapay at cake.

Ayaw na sana ng kaniyang Daddy ang labis na katakawan ng anak, pero tumututol ang kaniyang Mommy. Bini-baby lagi ni Attorney Maricel ang anak, dahil bukod tangi itong nag-iisa. Sa labis na pagmamahal sa anak ay binibigay niya lahat ng maibigan nito. Hindi naman makapalag si Feliciano, dahil ang kagustuhan ng kaniyang asawa ang nasusunod.

Si Maricel kasi ang may proffession. May magandang trabaho, samantalang siya ay wala. Pagmamaneho lamang ng pampasaherong van ang pinagkakakitaan niya.

Araw ng pamimili, walang pasok sa opisina si Maricel, kung kaya't nag-shopping sila ng anak niya. Nais niyang ibili sana ng magagandang laruan ang anak pero tumanggi si Nonoy. Wala kasing hilig sa laruan si Nonoy. Ang tanging hilig lang niya ay pagkain, paglamon.

Kaya't sa mga Checheria, tinapay at mga biscuit lamang para sa kaniya ay puno na ang isang trolly.

"Hon, nagbibinata na ang anak natin, gusto mo bang ganiyan na siya lagi? Walang babaeng magkakagusto niyan," segundo ni Feliciano.

"Hayaan muna, para sa ikakaligaya ng ating anak, 'di bali, pera ko naman ang nalulustay. Wala ka namang pera," tugon ng babae.

Napabuga na lamang ng malakas si Feliciano. Sa tuwing sasabihin niya sa asawa ang katakawan ng anak ay lagi na lamang bumabagsak sa wari panlalait sa kaniya.

"Anak, ayaw mo bang pumayat, gumanda ang katawan? Magiging sakitin ka niyan kapag ganiyan lagi ang katawan mo," pangongonsenti pa ni Feliciano kay Nonoy. Umiling lang si Nonoy at itinuloy ang paglamon.

Muling napabuga ng malakas si Feliciano.

Dahil hindi naman tinatanggap ng mag-ina ni Feliciano ang advise niya para sa anak ay hinayaan na rin niya ito. Sige, lumamon na ng lumamon hanggang sa ma-realize nang mag-ina niya na may punto siya. Mahirap kasi sa side niyang sa tuwing kabutihan ng anak ang sasabihin ay laging nauuwi ang lahat sa pagmamaliit sa kaniya.

'Di porket may natapos ang asawa at siya ay wala ay lagi na siyang mamaliitin nito.

Dahil tuluyang nabitawan sa kusina si Nonoy ay tumaba ito ng tumaba, hanggang  sa dumating sa puntong halos nahihirapan na itong maglakad.

Pero sige pa rin sa supporta ang kaniyang ina, sige pa rin sa lamon si Nonoy. Hindi iniinda ni Nonoy ang situation, basta't makalamon lamang siya ay masaya na siya.

Minsan, pinilit ni Nonoy lumabas ng bahay, upang makipaglaro sa mga bata sa labas. Naramdaman niya ang epekto nang kaniyang kasibaan. Ang mga bata ay lumayo sa kaniya. Lumipat ng pinaglalaruang lugar.

Tumungo naman siya roon, pero muli ay lumipat na naman sila. Doon na siya napasimangot.

Imbes na ibawi niya ang katawan, sa pamamagitan ng pagbawas ng katakawan, ay mas lalo pa siyang lumamon ng lumamon.

Inilabas niya ang maraming sopas at junks food. Nginatngat niya ng nginatngat. Halos mabilaukan pa siya sa dami ng pagkaing nasa bunganga niya. Hindi pa niya nalulunok ang ilan ay buka bibig na naman siya at pasok pagkain.

Sa isip niya, mas lalo pa siyang magpapataba, nang sa ganoon mas matakot ang mga bata sa kaniya. Total, iniiwasan nila, mas mabuting takutin na niya sila ng lubusan.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon