HUKOM PUGOT-ULO
Isinulat ni Alex AscFICTION STORIES.
Sa pinakatatagong pook, na malayo sa ibang lugar at hindi saklaw ng goberno ng ating bansa. Doon naninirahan ang isang tribong nagngagalang Masakusta tribe. Halos napag-iwanan na sila ng modernong pamumuhay at batas dahil ayaw nilang magpasakop sa pamahalaan ng bansang Pilipinas.
May sarili silang pamamahala sa kanilang lugar. Mahigpit nilang sinusunod ang batas na umiiral noon pa man, ang Hukom pugot ulo. Lahat ng mga gawaing makasalanang ay pinaparusahan sa pamamagitan ng Hukom pugot ulo.
Ibig sabihin, basta't maituturing na kasalanan, tulad ng pagpatay, pakikiapid, pagnanakaw, physical na pananakit at maging pagsisinungaling o pang-aapi sa isang mamamayang nakapaloob sa lugar na iyon.
Kaya't maituturing silang mga banal o sa madaling salita ay bayan ng mga banal. Dahil nga naman sa mapayapa ang lugar at walang masamang gawaing nagaganap.
Ang batas na Pugot ulo ay nakaimplementa na sa kanilang bayan magmula pa noong panahon ng mga aeta. Kung pinaniniwalaang mga aeta ang unang tao sa pilipinas, sila naman ay maaaring kasabay ngunit hindi lamang napag-alaman ng mga mananaliksik.
'Yon nga lang hindi sila masyadong nagparami. Dahil hindi basta-basta makakatalik ang isang tao kapag hindi pa ikinakasal. Kapag naman mag-aasawa ang tao ay dapat makapagpatayo muna ng sariling bahay, makabili ng sariling lupa at sapat na kabuhayan bago maaaring magpakasal.
Mayaman sila sa iba't ibang lupain at pananim. Katunayan, halos 70 porsyento ng mga pananim, tulad ng mga palay, prutas at gulay na ibinabagsak sa pamilihang bayan ay nagmumula sa kanila, pero walang naglalakas loob na pasukin ang teritoryo nila at magnakaw ang mga masasamang loob dahil sa batas na sinusunod roon.
"Paano naman ako magnanakaw roon? 'Pag mahuli tayo, tiyak pugot ulo..." anang lalaking taga-labas.
"Kung ang kaperasong prutas lang din ang kapalit ng buhay ko, it's no way!" dinugtongan pa ng english ang lalaking nakatanaw sa pamayanan ng mga Masakusta.
Dahil sa kayamanang lupain sa kanilang bayan ay hindi umaalis roon o nagmi-migrante sa labas ng kanilang bayan ang mga taga-roon. Mas mabubuhay pa sila roon kumpara sa pakikipagsapalaran sa ibang pook.
At ang pinakahinahangaan pa sa kanilang pamumuhay ay ang kasimplihan nito. Hindi sila naghahangad ng mga materialistic na bagay. Kaya't sinasabing napag-iwanan sila ng modernong pamumuhay.
Sa nakaraang siglong pamumuhay roon ay walang masyadong nahatulan dahil lahat ay walang nilalabag sa batas, maliban lang sa makabagong panahon, kung saan medyo natuto na ang mga tao mamuhay ng iba sa kanilang bayan.
Si Pinunong Missi ang itinuturing na katumbas ng presidenti o 'di kaya'y mayor sa kanilang lugar. Basta ang may pinakamataas na katungkulan. Marami siyang itinilagang mga tauhan o sundalo upang mapanatili ang pagsunod sa batas.
Si Pinunong Missi ay mula sa angkan ng mga pinuno sa pamayanang ito. Nagmumula sa kanilang dugo ang maaaring mamuno sa pamayanang ito at hindi naipapasa sa iba. Hindi naman siya umaastang hari at hindi rin nagmamalupit, dahil kapag siya ay may nilabag rin sa batas ay maaaring maparusahan ang kaniyang sarili.
Isang araw ay may nahuling nagtatalik na pawang may kaniya-kaniyang asawa. Hindi iyon katanggap-tanggap sa kanilang bayan. Isang napakalaking kasalanan iyon kaya't mabilis na inihanda ang bulwagan upang doon sila bitayin.
Tinanong muna sila sa huling sandali ng kanilang mga buhay.
"Bakit mo ito ginawa?" tanong ng mananalita.
"Patawarin niyo po ako, hindi ko po sinasadya, bigyan niyo pa po ako ng isa pang pagkakataon," halos sambahin na nito ang pinuno sa pagmamakaawa. Pero hindi na maaaring baguhin ang nakatala sa aklat.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 6
HorrorMGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 6 MGA SHORT STORIES NI ALEX ASC MGA NILALAMAN 1 - Gintong Sirena 2 - Sinehan 3 - Gayuma 4 - Horror drugs 5 - Ang Prinsessa at ang Lobo 6 - Palaka family 7 - Playboy karma 8 - Pagmamahal ng Aswang 9 - Barkada 10-Ma...