REUNION
Isinulat ni Alex AscMatalik na magkakaibigan mula pa noong teenager sina Kim, Franz, Cheng, Rovy, Luna, at Noemi.
Ilang taon na rin ang lumipas na hindi na sila muling nagkasama-sama pa. Pareho na kasi silang naging busy sa kaniya-kaniyang trabaho. Idagdag pa ang kani-kanilang pamilya. Kaya't maganda na kung makapagtawagan sila ng isang beses sa isang linggo. Pero hindi na big deal iyon sa kanila, kahit tunay silang magkakaibigan ay naririyan naman ang social media kung saan maari silang mag-group call.
Katunayan, mayroon silang iniiwasan, at iyon ay ang nangyari kay Odette. Ang ikapitu sa kanilang magkakaibigan, na namatay na makaraan ang pitong taon.
Iniiwasan nilang magkatotoo ang isinagawa nilang orasyon, kahit hindi sila lubos na naniniwala ay natatakot silang magkatotoo iyon. Isa lamang laro iyon, isang pagkakamali, na naghated ng kamatayan sa isa sa kanilang matalik na kaibigan.
Sa mahabang taon na dumaan, ay naging lihim ang kamatayan ni Odette. Walang nagsalita sa kanila dahil pare-pareho silang mananagot sa batas. Kaya't inilibing na nila si Odette na walang nakakaalam na iba.
Nagbitawan sila ng sumpaan na walang aamin. Iwasan na rin nila ang matipon-tipon dahil nakapaloob iyon sa larong iyon na magkakasunod-sunod ang kanilang kamatayan pagkaraan ng muling pagtitipon-tipon.
Isa si Kim sa pinaka-apektado sa kanila. Naka-move-on na ang mga kaibigan niya, pero siya ay patuloy pa ring nagdurusa.
Siya kasi ang pinakamahina sa kanila. Ilang ulit na niyang tinangkang umamin pero lagi nilang nauudlutan.
Ngayon ay parang naging normal na ang lahat, wala na rin ang pagpapakita ni Odette sa kani-kanilang panaginip. Kaya't normal na ang pamumuhay nila ngayon.
Napagpasyahan nilang magkaroon ng Reunion, kung naniniwala pa silang tapos na ang lahat at tuluyan nang natahimik si Odette.
Sa tagal ba naman kasi ng panahong nagdaan, kahit sino ay makakalimot rin, kahit bangkay o kaluluwa man ito. At simula na rin ito ng mas pinatibay na samahan ng kanilang pagkakaibigan. Sa kabila ng may kaniya-kaniya na silang pinagkakaabalahan.
Si Rovy ang halos tumatayong lider ng kanilang samahan, dahil matapang itong babae.
Nagkakasiya sila sa isang compound na inarkilahan nila. Maganda ang playground ng naturang compound. Desenyong pang-park ito, malinis at may nakakaakit na harden ng bulaklak sa kapaligiran. May malawak ring swimming pool. Doon ay nagkakasiyahan sila habang naliligo sa pool. Umiinom ng wine at kasalukuyang tumutunog ang stereo sound na sinasabayan ng disco light.
May mga nakahanda ring pagkain at ilang cakes para sa overnight nila rito. Simpre nagkakasiyahan sila dahil once in a 7 years lamang naulit ang araw na buo silang magkakasama.
Madami ang naging kuwentuhan nila sa isa't isa. Ang naging buhay nila sa loob ng mahabang panahon, ang love-life, family, at career. Ngunit hindi nakaligtas sa usapin nila si Odette, lalo na ng umpisahan ni Kim ang tungkol roon.
"'Di ba, ipinaalam ko sa inyo na walang magbabanggit ng pangalan niya?" bulyaw ng nagpipigil sa galit na si Rovy. Pinapakalma na lamang siya ng katabing si Noemi at Franz.
"Paano tayo makakalimot sa nakaraan kong lagi na lamang siyang naisisingit sa usaping ito!" dugtong pa niya na wari nanduduro pa kay Kim. Bahagya na lamang siyang pinapalayo ni Noemi at Franz.
Samantalang mangiyak-ngiyak naman si Kim at pinapatahan naman ng dalawang katabi na si Cheng at Luna.
"Hindi natin siya basta-basta kakalimutan, dahil parte na siya ng friendship na ito..." sagot naman ng umiiyak na si Kim.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 6
TerrorMGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 6 MGA SHORT STORIES NI ALEX ASC MGA NILALAMAN 1 - Gintong Sirena 2 - Sinehan 3 - Gayuma 4 - Horror drugs 5 - Ang Prinsessa at ang Lobo 6 - Palaka family 7 - Playboy karma 8 - Pagmamahal ng Aswang 9 - Barkada 10-Ma...