SINEHAN

657 14 0
                                    

SINEHAN
Isinulat ni Alex Asc

MATAGAL ng hindi nakakapanood ulit si Andrew ng movie sa loob ng sinehan. Hindi na kasi uso sa panahon ngayon dahil sa pamamagitan lamang ng Flat screen na TV at Dvd player ay parang feel at sinehan ka na. Sa panahon pa ngayon na sobrang moderno, kahit isang smart phone lang ay maaari ka ng makapanood ng iba't ibang movie mula sa iba't ibang site ng enternet. Pero nami-miss ni Andrew ang sinehan, dahil sa sinehan kasi, ay parang ramdam na ramdam mo ang mga eksena.

Mahilig si Andrew sa horror film, gusto niya 'yung mga madudugo tulad ng SAW o 'di kaya'y Wrong turn. Mga cannibalism kumbaga.

Nagtaka siya sa mga oras na ito dahil wala namang masyadong nakapila sa Cinnema one, kung saan palabas ang paborito niyang horror film. Inilingon pa niya ang paningin sa ibang dako. Doon maraming nakapila na gustong manood ng mga lovestories. Kun'sabagay, 'yan naman ang patok na mga palabas sa masa.

Narating niya ang counter nang mabasa niya ang nakasulat sa maliit na poster.

'Ayon sa sabi, maaari raw bumida ang sinuman sa movie na iyon, basta't mag-fill-up lamang daw ng form.

Natawa pa si Andrew dahil paano nga naman siya bibida roon? Kung tapos na e-shoot ang film. Ang sabi pa roon ay siya raw ang papanoorin ng mga tao habang nasa loob ng big-screen sa loob ng sinehan. Mukang tamang-tama para sa kaniya, dahil trip niyang masali sa isang movie noon pa. Makita lamang niyang maging guest sa naturang film ay labis nang magpapasaya sa kaniya.

"Miss, totoo ba ito?" aniya sa casher.

"Oo naman, sir," tipid na sagot ng babae.

Iniabot ng babae ang form sa kaniya at agad niyang isinulat ang mga impormasyon na hinihingi. Nakasaad pa roon ang kontrata na hindi sasagutin ng sinehan ang kalalabasan ng pelikula. Pero wala nang paki roon si Andrew. Excitement para sa kaniya.

Pagpasok niya sa sinehan ay nakaramdam pa siya ng bahagyang kilabot, dahil siguro matagal na siyang hindi nakakapasok roon, idagdag pa ang nakakakilabot na tilian ng mga manonood at nakakarimarim na sound effect ng movie, isama na rin ang madilim na sinehan na iyon.

Inilibot muna ni Andrew ang paningin sa kabuoan ng mga audience area. Tanaw niyang iilan nga lang talaga ang nanonood pero over kung makasigaw ang mga iyon.

Umupo na si Andrew at itinanaw ang mga mata sa may dakong sinehan. Doon kitang-kita ang pagkakasindak ng mga bidang kabataan habang nagtatago at paparating naman ang nakamaskarang lalaki na may hawak na palakol. Duguan pa ang palakol at kasalukuyang tumutunog ang apak ng lalaking iyon.

Nang mapatapat sa pinagtataguan ang killer ay huminto roon at nakiramdam, samantalang ang isa sa mga cast ay halos sasabog na ang dibdib sa takot.

Isang hakbang pasulong at isang lingon pakanan, tiyak mababalatan ng buhay ang lalaking teenager.

Ang sumunod na galaw ng killer ay iyon nga ang nangyari. Napasigaw ng ubod ng lakas ang teenager pero bago pa makatakbo ay tumama ang matalas na palakol sa kaniyang leeg. Laglag ang ulo at sumirit ang maraming dugo mula sa leeg ng binata.

Napasabay sa malakas na sigaw ang ilan sa mga manonood. Pati si Andrew ay nagulat din sa kanila. Medyo ginagapangan na tuloy siya ng takot dahil sa impact ng palabas sa mga tao . Sana nagsama na lamang siya ng kaibigan sa panonood, pero inisip niyang kaya niya iyon. Isa lamang pelikula ito na walang katotohanan.

Nagpatuloy ang killer sa paglalakad habang nakamata lamang si Andrew sa eksenang iyon.

Ang kasunod ng eksena ay humarap ang killer sa kamera at tinanggal ang maskara nito, tumambad sa kanilang paningin ang walang balat nitong mukha, kinalmot iyon ng lalaki at nagsitanggalan ang mga laman at tumulo ang mga dugo. Halos maduwal si Andrew sa pandidiri. Sanay na siya sa mga eksena sa wrong turn pero hindi niya maintindihan at parang masusuka siya.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon