PLAYBOY KARMA
Isinulat ni Alex AscNagtatago na sa isang bathroom ng isang resort si Raven dahil kanina lang ay makakasalubong sana niya ang girlfriend na si Mae. Kung hindi lamang siya napayuko at napatalikod agad ay sure makikita nito ng maayos ang kaniyang mukha. Subalit habang naglalakad ng mabilis ay bigla siyang tinawag ng girlfriend. Mukang nakilala siya sa porma lamang ng kaniyang katawan.
Napangiwi siya dahil magtatagpo ng wala sa oras ang dalawa niyang babae.
"Raven, hoy!" tawag sa kaniya ni Mae. Napalingon naman ang nag-aabang na si Jessel. Ang tanging kasama niyang dumayo sa swimming pool resort na ito.
"Raven? Sino ang babaeng iyan?" Napanganga pa si Jessel, habang nakatanaw kay Raven na pumapasok ulit sa banyo ng mga lalaki.
Napatapat ang babaeng si Mae kay Jessel na inaantay ang nobyo na bibili lamang ng shampoo sa tindahan para kay Jessel.
"Saan kaya pumunta ang lalaking iyon? Bakit kaya siya nandito?" sambit ni Mae. Inilabas niya ang phone at denial ang numero ng boyfriend.
Hindi sinasadyang naiwan ni Raven ang phone sa maliit na bagpack samantalang nasa tabi ng kinaroroonan ni Jessel.
Inilabas ni Jessel ang cellphone at napaharap naman si Mae sa babae dahil sa pagtunog ng cellphone.
Pareng Roy pa ang naka-phonebook sa cellphone ng binata. Sinagot iyon ni Jessel.
"Hello? Sino po sila?" bigkas ni Jessel.
"Ahm... nandiyan po ba si Raven?" Nagtagpo ang mga kilay ni Mae dahil sa babaeng sumagot.
"Ah...e... mukang nasa restroom po e," tugon ni Jessel.
"Ka-kapated ka po ba niya? " tanong ni Mae habang kinukutuban.
"Girlfriend po niya..." sagot ng nasa kabilang linya.
Napatigil si Mae nang tumama ang paningin sa katabing babae, ganoon din si Jessel. Halata na nilang sila ang nag-uusap.
Nagtaasan ng kilay ang dalawa, nagtagisan ng galit. Nang sakto sanang tatakas si Raven mula sa bathroom at nakatanaw sa dalawang magkaharap.
"Iyong unggoy na iyon ang hinahanap mo, 'di ba?" Turo pa ni Jessel kay Mae na napaharap naman sa kinaroroonan ni Raven.
Huling-huli si Raven, ngumisi siya sa dalawa at nag-sign of peace sabay tayo ng tuwid.
"Sinasabi ko na nga ba! May iba kang babae?" asik ng sumusugod na si Mae.
Napabalik ulit sa palikuran si Raven. Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok ang mga babae niya. Tiyak kapag naabutan siya, malutong na sampal ang matitikman niya.
Sa pagkamalas-malas ba naman ay sa banyo ng mga babae siya nakapasok. Nabigla siya ng pagharap niya'y nakatayo roon ang mga babaeng nagulat sa kaniyang pagpasok.
Bawat isa'y may kaniya-kaniyang itinakip sa maseselang parte ng katawan nila upang hindi mabosohan ni Raven.
Lalo pang nagulat si Raven dahil isa sa mga babae roon ay ang pangatlo niyang babae na si Vilma, at mas lalo pa siyang namroblema, nang lumabas mula sa kubeta si Jijie, ang bago niyang chicks.
"Raven?" halos magkasabay na bigkas ng dalawa.
"Hon... sinusundan mo ba ako?" anas ng nakangiting si Vilma.
"Babe, si-sino siya? 'Di ba, sumumpa ka sa akin na wala kang iba?" wika ng nanlilisik na si Jijie.
"Walang hiya ka! Manloloko ka!" biglaang sambit ni Vilma. Sinugod ng dalawa si Raven.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 6
HorrorMGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 6 MGA SHORT STORIES NI ALEX ASC MGA NILALAMAN 1 - Gintong Sirena 2 - Sinehan 3 - Gayuma 4 - Horror drugs 5 - Ang Prinsessa at ang Lobo 6 - Palaka family 7 - Playboy karma 8 - Pagmamahal ng Aswang 9 - Barkada 10-Ma...