"IF the good ones go to heaven and the bad ones go to hell, where do the crazy ones go after they die?"
Hindi ko alam kung kailan at bakit ko natanong 'yon. I was just a kid, and half of the time, I can't even understand what I'm saying. Bukod doon, matagal ko na ring alam na hindi ko pwedeng asahan ang memorya ko. Palagi akong may nakakalimutan, at minsan, pakiramdam ko palagi ring may kulang sa pagkatao ko. Yes, my mind loves playing games with me, at ang paboritong laro ng utak ko ay ang "Did you do it or not?" na laro. I hate that game. I really fucking hate it.
"If the good ones go to heaven and the bad ones go to hell, where do the crazy ones go after they die?"
Maraming akong nakakalimutan, pero ni minsan, hindi ko nakalimutang naitanong ko 'yan sa mama ko. At ni minsan, hindi ko nakalimutan ang naisagot niya sa'kin habang alanganin siyang nakangiti. Para bang nahihirapan siyang ipaliwanag ang lahat sa isang batang kagaya ko.
"The crazy ones go to the asylum, Asmodeus."
The asylum.
I like the sound of that.
Pero nakakalungkot isipin na ni minsan, walang nagtangkang ipaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng asylum. Nang tanungin ko si papa, ginulpi niya lang ako at hinampas ng tubo sa braso. It took a few weeks before the ugly bruise went away. Kinailangan ko tuloy magsuot ng long sleeves sa school para daw "itago" ko ito at ang iba pang mga pasa sa katawan ko. Dahil doon, hindi na ako muling nagtanong kay papa.
Sabi niya kasi sa susunod na lumabas sa bibig ko ang salitang "asylum", ipapatapon na nila ako doon. Doon na lang daw ako mabubulok at mamamatay.
Kaya magmula noon, hindi na "asylum" ang tawag ko. I started calling it "the not-good-not-bad place"---hindi kasi napupunta doon ang mga mabubuting tao, pero hindi rin naman napupunta doon ang mga masasama. Gusto ko sanang tawaging "crazy" place, pero baka kapag sinabi ko 'yon, kutsilyo na ang gamitin sa akin ni papa. He doesn't like it when I say words like that: crazy and asylum.
It bothers him more than the drugs he get high with every midnight.
Kaya mula noon, in-imagine ko na lang kung ano ang histura ng isang asylum. I even went as far as drawing it on scratches of paper using my worn out pencils. Hindi ako magaling mag-drawing, pero magaling akong mag-imagine.
I drew the asylum as a castle with clean white walls. Tapos may mga knights na nakasuot ng armor na gawa sa pilak habang nakalatag ang kulay pulang carpet sa entrada ng asylum. I imagine the world inside the asylum to be as fancy as the outside. May mga video games ring naka-pwesto roon at maraming masasarap na pagkain---hindi tulad ng pagkain naming paulit-ulit na tuyo at noodles. Kapag naubos naman ang pera ni papa sa mga bisyo niya, asin lang, sapat na.
The not-good-not-bad place will be awesome. Doon, magiging masaya ako. Doon, magagawa ko ang lahat ng gusto ko. Hindi na ako gugulpihin ng papa ko at hindi na ako mapipilitang panoorin ang panggugulpi at pang-aabuso niya kay mama, at panghahalay niya sa kapatid ko.
Inside the asylum, I will find peace.
Pero mukhang katulad ng mga alaala kong bigla na lang naglalaho at nag-iiba, hindi ko rin pala maaasahan ang reyalidad.
Dahil walang nakapagsabi sa'king hindi pala isang kastilyo ang asylum. It had white walls, but it just resembled a shoe box. Nothing special, no turrets and no towers. Walang nakapagsabi sa'kin na imbes na mga kabalyerong may pilak na baluti, mga nurse na may metal tray na naglalaman ng mga "gamot" ang bubungad sa'kin dito. Walang nakapagsabi sa'king imbes na pulang carpet, pulang mga mantsa ang maaaninag ko sa mga maruruming sahig. Walang nakapagsabi sa'king walang video games dito at lalong walang masasarap na pagkain.
At higit sa lahat, walang nakapagsabi sa'king totoo palang ipapatapon nila ako dito para dito na ako mabulok at mamatay.
My name is Asmodeus and I just woke up to discover that I am a fucking patient here in Eastwood Asylum.
---
"If you take away the darkness,
the world will feel so empty;
for even the monsters you hide inside,
craves a bit of this insanity."
---NoxVociferans
---
A special thanks to Ms. KristelJinPorazo for the awesome bookcover.
BINABASA MO ANG
✔Welcome to the Asylum
HorrorRead at your own risk. --- Bookcover credits to @KristelJinPorazo