---
NANG matapos ang "pity party" para kay Little Lucy, isa-isa nang umalis ang mga bisita. As odd as it seems to see them laughing and talking to imaginary friends, I didn't dare get in their way. Hanggang ngayon, nahihirapan pa rin akong isipin kung paano nakalabas sa kanilang mga selda ang mga pasyenteng ito. When I asked Richard about it, he just laughed at me like I was the insane one.
"HAHAHAHA! Let's just say that I have my ways, Asmodeus. Sa tagal ko na rito sa impyerno, natutunan ko na kung paano makipaglaro sa mga demonyo."
"You mean the nurses?"
"Exactly! HAHAHAHA!" Ngumiti siya nang nakakaloko at inumpog ang ulo sa pader habang humahagalpak ng tawa.
Umalingawngaw sa katahimikan ng pasilyo sa ikalawang palapag ang kanyang boses. In the dead of the night, it sounded creepy when paired with the noise of his skull crashing into the wall. Paulit-ulit itong ginawa ni Richard na para bang wala siyang nararamdamang sakit. Ni hindi na niya alintana ang dugong umaagos na mula sa kanyang noo. 'What the hell is he doing?!' Sinubukan ko siyang pigilan, pero bago pa man ako makalapit, huminto na sa kanyang ginagawa si Richard.
I stood speechless as he turned to look at me. He had this crazed look in his big eyes as he licked the blood trickling down his cheek.
"Maiintindihan mo rin kung bakit natin kailangang masaktan, Asmodeus. Hindi magtatagal, yayakapin mo na rin ang kabaliwan. To play the game with demons, you need to fucking learn the rules on your own. HAHAHAHAHAHA!"
At mabilis na siyang tumakbo papalayo.
Naiwan akong nakatuod sa kinatatayuan ko sa gitna ng madilim na pasilyo. Para bang mas lumamig dito kahit na nakasara ang mga bintana. Nakakatuwa pang isipin na may rehas rin ang mga ito. It's like they're making sure that we won't jump out of the second floor window to escape. Naiintindihan ko naman kung bakit nila iniisip na gagawin namin ang bagay na 'yon. In their eyes, we're the mad ones here.
'But I don't fucking belong here.. wala akong ginawa! Wala akong---'
Nahigit ko ang hininga ko nang maalala ko na naman ang sinabi sa'kin ni Lucy. Kabado akong napalunok habang pinipilit na maglakad pabalik sa kwarto ko. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang paniwalaan o kung may pwede pa bang paniwalaan sa lugar na ito.
"H-Hindi.. wala akong pinatay. Hindi k-ko pinatay ang mga kaklase ko. I-I didn't do anything wrong!"
But why can't I fucking remember?
Napahinto ako sa paglalakad.
The sound of my feet halting in the middle of the staircase echoed throughout the emptiness. Pinilit kong alalahanin ang tungkol sa mga kaklase ko, pero bukod sa ilang magulong memorya ng mga klase ko sa elementarya, wala na akong matandaan. But then again, there's that nightmare I had a week ago. Base sa kanilang mga hitsura, nasa isang high school ako noon.
BINABASA MO ANG
✔Welcome to the Asylum
УжасыRead at your own risk. --- Bookcover credits to @KristelJinPorazo