---
THE pain was still there. In a moment of unconsciousness, I can still feel the raw, throbbing pain drilling into my chest, until it finally found its way to my skull.
Naalala ko ang sakit na naranasan ko sa "panggagamot" sa'kin ng warden.
Naalala ko ang sakit ng bawat paghampas ng latigo sa balat ko hanggang sa dumanak sa sahig ang sarili kong dugo.
Naalala ko ang hapdi ng tubig na may halong chlorine habang nanunuot ito sa kalamnan ko.
Pero sa kabila ng lahat ng ito, alam kong wala pa sa kalingkingan ang sakit na 'yan kumpara sa naranasan ko noon sa loob ng sarili naming tahanan. I remember the time when I accidentally found a gun inside our cabinet. I can still remember the feel of it against my small and clumsy hands. Akala ko isa lang itong laruan. Hindi kasi ako madalas nabibilhan ng laruan noon---no, screw that. Ni hindi ko nga alam kung nabilhan ba ako ng laruan noon. Anyway, I took the gun outside and played with it.
"Tingnan niyo! May laruan ako, oh!"
Tuwang-tuwa pa ako noon at halos matapilok sa pagtakbo nang lapitan ko ang iba pang mga batang naglalaro sa kalye namin. Hindi ako madalas nakikisali sa kanila dahil wala naman daw akong kwentang kalaro. Palagi lang nila akong pinagtatabuyan na parang isang hayop. Nilalayuan. Pinandidirihan. Ginugulpi paminsan-minsan. It's funny how they all think I'm "weird", when in fact, I just have a crazy imagination. Gusto ko lang naman magkaroon ng kaibigan. Masama ba 'yon?
Pero nagbago ang lahat nang ipinakita ko sa kanila ang hawak kong baril.
Natuwa sila.
Agad nila akong pinagkumpulan. Maya-maya pa, pinapasa-pasahan na nila ang laruan. Wala na akong masyadong matandaan kundi ang mga tawanan at mga ngiti namin. Alam ko namang pinepeke lang nila ang kanila, pero masaya pa rin ako. Oo, siguro ng desperado nga akong magkaroon ng kaibigan kaya kahit na magmukha akong kaawa-awa, pikit mata ko na lang hinahayaan. That afternoon, everything went well. It was a blurry memory, but I was happy...
Until I heard that bloody gunshot.
BANG!
Kasunod nito, umalingawngaw sa kalye ang boses ng isang bata. Humihiyaw siya sa sakit at sunud-sunod na mura ang natanggap ko. 'Bakit ako? Wala naman akong ginagawa sa kanya ah!' pero agad ko ring naunawaan ang lahat nang mapansin ko ang malamig na bagay sa kamay ko.
Hawak ko ang baril.
My eyes widened in horror as I felt my hands tremble. "H-Hindi ko...alam. Hindi ko 'to s-sinasadya!" Nanghihina na ang boses ko nang mabitiwan ko na nang tuluyan ang baril. Kasunod nito, agad akong pinalibutan ng iba pang mga bata. Hindi ko na mabilang kung ilang batang lalaki ang nagpaulan ng suntok sa mukha ko noong araw na 'yon. Paulit-ulit hanggang sa alam kong namamaga na ito.
They started beating me up like a pulp.
Yeah, just like a pulp.
A pulp that can easily burst and spill blood on the pavement.
BINABASA MO ANG
✔Welcome to the Asylum
HorrorRead at your own risk. --- Bookcover credits to @KristelJinPorazo