---
IT happened in a blink of an eye.
Pakiramdam ko, panandaliang huminto sa paggana ang utak ko at tuluyan nang namanhid ang buong katawan ko. I can hardly feel my legs anymore, much less the ground beneath my feet. Nanlamig ang buong katawan ko habang pilit kumakawala sa mga mata ng warden. Ang sabi nila, "the eyes are the windows of the soul". Nakakatawang isipin na imbes na isang bintana, mistulang isang malalim na bangin ang kanyang mga mata.
It was dark.
It was an endless abyss.
At sigurado kong kahit magpatangay ako sa kadilimang ito, hindi ko pa rin mahahanap ang kanyang kaluluwa.
"B-BITIWAN NIYO AKO! HAHAHAHA!"
Naririnig ko ang boses ni Richard habang kinakaladlad kami ng mga gwardiya papunta sa underground level ng asylum. Nagmamakaawa siya sa kabila ng nababaliw niyang pagtawa. Hindi ko na rin kailangang lumingon sa kinaroroonan niya para malamang nagpupumiglas siya. It was useless, but he kept on struggling.
'Ano ba talaga ang ginawa ko para mapunta ako rito? Damn this. Why can't I remember anything?!'
Nakatulala lang ako sa maruming kisame habang pinapakinggan ang iba pang ingay. Naririnig ko ang pagtama ng mga takong ng warden sa sahig. Patuloy pa rin ang sigawan sa pasilyo at ang pagkalampag nila sa mga pinto. Nakakapagtakang hindi sila sinasaway ng warden. Normal na siguro para sa kanya ang mga pangyayaring ito.
As we rounded a corner, I saw a glimpse of one of the cell doors. Nakita kong nakadungaw roon ang isang pasyenteng may benda ang mga mata. Mula rito, naaaninag ko pa rin ang magulo niyang buhok na mukhang ilang buwan nang hindi nasusuklayan. I knew he couldn't see me, but sometimes I feel like he does.
Mapait akong ngumiti.
Baka nga tama siya. Baka isang malaking kabaliwan nga lang ang tumakas sa asylum na ito...
'So, you're giving up? Just like that?'
Ni hindi ko nga alam kung sino ako. Hindi ko maalala ang mga ginawa ko para mapadpad sa impyernong ito. Fuck, I don't even know if I'm crazy or not. Hindi ko na alam.
Maya-maya pa, dinala kami sa isang madilim na silid. Hindi kagaya noong unang punta ko rito, mukhang malinis na ang sahig. Baka pinalinis rin ng warden para sa pagbisita ng dating warden. Nagpapakitang-tao.
Her cold and robotic voice drifted throughout the void.
"I know this little punishment will 'shock' you, but I hope it'll serve as your lesson. Hindi kayo dapat nagpupunta ng opisina ko kung wala kayong appointment," kalmado ngunit may kasamang diin sa kanyang tono. "I want to cut your toes and bathe you in acid for trespassing, pero ayokong ng maraming kalat. The old warden doesn't like seeing this place dirty."
Nanindig ang balahino ko habang iniisip kung ano na namang parusa ang nakahanda sa amin. Sa hindi malamang dahilan, bigla na namang namayani ang takot sa loob ko.
BINABASA MO ANG
✔Welcome to the Asylum
TerrorRead at your own risk. --- Bookcover credits to @KristelJinPorazo