UNDECIM

468 70 2
                                    

---

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---

"IF the warden breaks the rule, she'll get fired, or worse---killed."

Natulala ako sa sinabi ni Albert. Sa hindi ko malamang dahilan, mukhang pareho silang naaaliw ni Richard sa ideyang ito. Hindi ko naman sila masisisi. Kung totoo nga ang sinasabi nila, maaaring ang batas na 'yan ang nag-iisang alas namin sa lugar na 'to.

So, if the warden doesn't punish our nurses... she'll die?

'At least now you know the warden isn't invincible, that's good news,' a voice inside my head taunted.

Sa kabila nito, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa nalaman ko. Ngayon nauunawaan ko na kung bakit ako pinagbantaan ni Nurse Isabelle kanina. Alam niyang obligado rin ang warden na parusahan siya sa oras na may makita silang sugat sa'kin pagkalipas ng alas-diyes ng gabi. Pero may hindi pa rin ako maintindihan.

"Sino ang papatay sa warden? I-Ibig sabihin ba nito, may mas nakatataas pa kaysa sa kanya?"

Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Eyeless Einstein. Alam kong hindi siya nakakakita, pero bakit pakiramdam ko nakatitig siya sa'kin? Marahan akong napailing. I'm just being paranoid again. Malamang epekto ito ng mga gamot na ipinapainom nila sa'kin.

"Sa tingin mo, Asmodeus... sino kaya ang tumatali sa kamay ng tagapangalaga ng impyerno?"

"A-Ano naman ang ibig mong sabihin?"

"HAHAHAHAHAHAHA!"

Imbes na sagutin ako nang maayos, kumawala ang isang mahinang pagtawa sa pasyente. Isang walang-buhay na halakhak ang pumunit sa katahimikan ng hardin. Nang marinig ito ni Richard, hindi nagtagal, tumawa na rin siya at paulit-ulit na sinipa ang mga bulaklak. Sa di-kalayuan, napansin kong umiiyak na ulit ng dugo si Bloody Mary habang binubulungan ang isang rosas. Paminsan-minsan siyang sumusulyap sa direksyon ko na para bang ako ang pinag-uusapan nila.

Damn. Mga baliw nga sila.

Huminga ako nang malalim at inisip ang sinabi nila kanina. The unspoken rule. If the warden was bound to it, then that surely means someone has more power over this asylum. May mas makapangyarihan kaysa sa kanya. At posibleng ang taong 'yon ay ang---

'Shit! C-Could it be...?'

"Ang naunang warden."

Huminto sila sa pagtawa.

That was the only confirmation I needed.

Ang nagpanukala mismo ng batas na 'yon ang tumatali sa mga kamay ng kasalukuyang warden. Hindi ko alam kung bakit, pero lalo lang akong nakaramdam ng kaba ngayong naiisip ko ito. Kung ginawa niya ang batas na 'yon, ibig sabihin may pakialam siya sa mga pasyente, hindi ba?

Pagkakataon ko na ito. Baka pwede niya akong tulungang makaalis dito kapag nakita niya mismong hindi ako nasisiraan ng bait. If I could only give him proof that I'm not a lunatic, then maybe I can escape this inferno unscathed.

✔Welcome to the Asylum Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon