---
APRIL 16, 2020.Labing-apat na araw bago ang pagbisita rito ng dating warden.
'Fourteen days before I either convince him to let me out, or escape on my own,' my mind reminded me. Habang papalapit na nang papalapit ang araw ng (sanang) paglaya ko rito, hindi ko maiwasang maging paranoid sa mga nangyayari. It's like something inside my head was warning me about something. 'But what?' Kanina pa sumasakit ang ulo ko sa kakaisip.
I know I probably look like shit right now.
Ilang araw na akong hindi nakakatulog magmula noong may napatay akong gwardiya. Aaminin ko namang natatakot ako na baka bigla na lang pumasok sa silid ko ang warden at ipakaladkad ako pabalik sa underground level. In fact, I wouldn't even be surprised if she skins me alive this time. I just killed an asylum guard!
Pero nang sabihin ko ito kay Nurse Isabelle, nagkibit-balikat lang siya.
"Sanay na sila. Weekly, several guards and nurses will either go missing or be found murdered inside a patient's room. Nagha-hire na lang ng replacement ang warden."
The moment she said that, I began to doubt humanity. If there's even an ounce of if left inside this fucking mental ward.
Wala silang pakialam kung may namamatay rito. Whether a staff or a patient dies, they don't even make it a big deal. Para sa kanila, pawang mga kasangkapan lang ang lahat ng mga nilalang sa loob ng gusaling ito. Kapag nawala, 'wag hanapin. Kapag may namatay, palitan.
As simple as that.
Kasabay nito, kapansin-pansin ang mga pagbabagong nagaganap sa loob ng Eastwood Asylum. Paminsan-minsan tuwing manggagaling ako sa banyo, nakikita ko ang mga janitor na todo linis sa mga pasilyo. Nilalampaso nila ang maruruming sahig. Pinupunasan ang mantsa ng dugo sa mga dingding. Ang mga nurse naman, palagi nang plantsado ang mga uniporme. Maayos ang kanilang postura at lahat sila nakangiti.
'Mukang kailangan nilang umarte para sa pagdating ng dating warden.'
To top it all, today is Thursday.
"Wala ka bang nararamdamang kakaiba, Asmodeus? Iniinom mo ba ang mga gamot mo?"
Dr. Rabbit eyed me with that creepy expression again. Nakatitig lang siya sa'kin habang nakangiti. Sa kabila ng "propesyunal" na personang ipinapakita niya, nararamdaman kong may itinatagong kasamaan ang lalaking ito. He thinks he's being a good doctor. I guess I'll just have to play along before he slices off my tongue.
Huminga ako nang malalim at sumandal sa upuang katapat niya.
'Just fake it, Asmodeus. This will all be over soon.'
"I'm feeling better, doc. Bumubuti na yata ang pakiramdam ko dahil sa mga gamot."
Sa totoo lang, wala akong ideya kung tumatalab ba ang mga gamot na 'yon o kung para saan ba talaga ang mga ito. Yes, whenever I take those awful pills, nagiging madalang na lang ang "panlilinlang" sa'kin ng mga mata ko.
BINABASA MO ANG
✔Welcome to the Asylum
HorrorRead at your own risk. --- Bookcover credits to @KristelJinPorazo