---
APRIL 27, 2020
Three days before the escape.
Matagal kong tinitigan ang kalendaryo. Kapansin-pansing nakamarka ang numerong "30", palatandaan ng araw ng pagbisita rito ng dating warden. Para bang inaasar ako ng pulang tintang ginamit para bilugan ito. I bet it's the same marker that timid nurse used to cross out the other dates. Tuwing dumaraan kami sa bahaging ito ng pasilyo, araw-araw kong nakikita ang nurse na gumagawa nito.
Araw-araw.
She kept track of the date, and in some way, it kept me from being insane.
Hindi ko alam kung ano ang pagkakaiba ng araw na ito o kung guni-guni ko lang na sinisilip ako ng nurse na 'yon sa gilid ng kanyang mga mata. It almost felt like she was aware of my actions. Napaghahalataan niya kayang palagi kong tinitingnan ang kalendaryo? How many asylum patients are sane enough to give a damn about the dates, anyway? Shit. Baka isumbong niya ako sa warden!
'No. You're just being paranoid. Habang tumatagal, lalo ka lang tinatakasan ng katinuan mo sa lugar na ito,' paalala sa'kin ng maliit na tinig sa isip ko. Alam kong hindi ko dapat siya pinagkakatiwalaan, pero hanggang ngayon, hindi ko alam kung may dapat nga ba akong pagkatiwalaan.
Kahit nga ang sarili kong memorya, hindi ko na kayang pagkatiwalaan.
That's the thing with us humans. Nobody can blame us for having trust issues—with the people around us and with ourselves.
Sa paglabas ko sa asylum, alam kong kailangan kong harapin na naman ang kalupitan ng mundo. Wala akong ideya kung paano ko hahanapin ang pamilya ko o kung tatanggapin pa ba nila ako. Baka nga iniisip ng mga magulang ko na nabubulok na ako rito. They're probably celebrating right now. As much as I don't want to return to that hell we called a "home", alam ko ring wala na akong ibang mapupuntahan. Mas gugustuhin ko na roon. Tutal, dalawang demonyo lang naman ang makakasama ko sa impyernong iyon. Atleast they don't have an electric chair that can fry me from inside-out.
Isa pa, alam kong sa kanila ko malalaman ang katotohanan.
Bakit ako nandito? Anong ginawa ko noon? Nababaliw ba talaga ako?
Damn those questions.
'So many questions, but nobody gives me any answers.'
I laughed humorlessly. It sounded coarse and cold. Dahil dito, huminto ang wheelchair ko. Napatingin sa'kin si Nurse Isabelle. Bakas ang pag-aalala sa likod ng kanyang mga mata. Mabuti na lang at hindi ito "awa". Because if I see so much as an ounce of pity in her eyes, I don't know if I can restrain myself from pulling them out of her eye sockets.
"Anong problema?"
Lumakas ang tawa ko.
"HAHAHAHAHA!"
BINABASA MO ANG
✔Welcome to the Asylum
KorkuRead at your own risk. --- Bookcover credits to @KristelJinPorazo