---
"KAHIT kailan naman, hindi naging normal ang buhay ko, doc. There is no cure for a not-so-happy childhood."
Kung hindi man nagustuhan ni Dr. Rabbit ang sinabi ko, hindi niya ito ipinahalata. Tinitigan niya akong maigi na para bang kinikilatis ang kaluluwa ko. Then he started scribbling something on his notes again. Huminga ako nang malalim at pinakalma ang sarili ko. I struggled to push those murderous thoughts aside.
This is exactly the reason why I dislike doctors or anyone in the medical field. Nababasa nila ang bawat kilos mo. Wala kang pwedeng maitago sa kanila, lalo na kung sasabihin mo ang mga sintomas na nararamdaman mo. Kapag alam na nila kung ano ang mali sa'yo, madali ka na nilang makikilatis at maririsetahan ng gamot.
I hate the taste of medicine.
I really hate it.
"May nararamdaman ka bang kakaiba sa katawan mo?"
Mabilis akong umiling.
"Do you feel any negative emotions?"
Iling.
"Asmodeus, kung may kakaiba kang nararamdaman o kung may nakikita kang alam mong hindi mo dapat nakikita, sabihin mo lang sa'kin para matulungan kita.."
"Ayos lang ako, doc."
It's funny how I feel like a criminal under interrogation.
Pero hindi ko pa rin siya bibigyan ng dahilan na isiping nasisiraan na nga ako ng bait. Kailangan ko siyang kumbinsihin na nagkamali lang ang mga magulang ko. Hindi nila ako dapat itinapon dito. Yes, I do not have a normal and happy life like what most humans do, but I am not crazy! Sa pagkakaalala ko, wala naman akong ginawang mali para mapadpad ako rito.
Malungkot na ngumiti si Dr. Rabbit. Hindi ko alam kung totoo ba ang bahid ng awa sa ekspresyon niya o gimik niya lang ito para magmanipula ng mga pasyente niya. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko. Bahagya akong yumuko para makaiwas sa nakakairitang tingin niya. That pitiful look he's giving me makes me want to claw his eyes out.
"Kung 'ayos' ka lang talaga, hindi kita dapat kinakausap ngayon, iho."
No. They're the crazy ones.
"I-I'm not suppose to be here! Walang mali sa'kin.. h-hindi ako nababaliw. Hindi ako nababagay sa lugar na 'to, doc."
"Wala ka bang naaalala sa mga ginawa mo, Asmodeus?"
Mabilis akong nag-angat ng tingin nang marinig ko na naman ang tanong na 'yon. 'Ano bang dapat kong maalala?' Confusion is probably written all over my face because Dr. Rabbit was still giving me that sympathetic smile. The same smile he gives to other patients in this motherfucking asylum. Hindi ko na napansing nanginginig na pala ang mga tuhod ko sa kaba. Pinipilit kong balikan ang memorya ko, pero puro pinagtagpi-tagping alaala lang ang naibibigay nito sa'kin. Malabo pa ang ilan at hindi ko sigurado kung alaala ba 'yon o panaginip.
BINABASA MO ANG
✔Welcome to the Asylum
TerrorRead at your own risk. --- Bookcover credits to @KristelJinPorazo