DUO

1.1K 106 11
                                    

---

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---

"IT'S time to take your medicine, Asmodeus."

Isang malamig na hangin ang kanyang boses na nakapagpanindig ng mga balahibo ko sa braso. Hindi ako sanay. Sa totoo lang, mas sanay ako sa mga boses na binabalutan ng galit, pang-aasar, at pandidiri sa'kin. These raw emotions coated every single fucking word people had ever said to me. Then again, every word pierced deeper into my skin, leaving me to bleed on my own. Hindi na bago sa'kin ang sinisigawan ako araw-araw at ipinapamukha ng ibang tao sa'kin na mas gagaan ang buhay nila kung wala na ako. Paano ako nakatagal ng labing-pitong na taon sa mundong walang nagmamahal sa'kin? Sanayan na lang.

Napabalik ako sa kasalukuyan nang katapat ko na ang nurse. She smiled lifelessly again. Her voice sounded nothing more than a distant echo. At kung pagbabatayan ko ang mangilan-ngilang palabas na napapanood ko noon sa lumang telebisyon ng kapitbahay namin, maihahalintulad ko talaga ang boses niya sa isang robot.

Walang bahid ng anumang emosyon.

"Kapag hindi ka nag-behave, baka hindi lang ang syringe ang isaksak sa'yo."

Pagpapaalala niya sa'kin sabay lahad ang isang maliit na platitong naglalaman ng gamot at baso ng tubig. Sa gilid ng mga mata ko, napansin kong naglalakad na papalapit sa amin ang mga demonyo.

Humagalpak ako ng tawa na agad na ikinakunot ng noo ng dalaga.

Sila yata ang nasisiraan ng bait.

"Hindi ko kailangang uminom niyan. Hindi ako baliw.. Look, I don't even fucking know why I ended up here! Maniwala ka sa'kin, hindi ako dapat nandito.."

Humagikhik ang mga demonyo sa sinabi ko. Hindi na lang ako nagsalita nang halos dakmalin na nila ang nurse.

Pero marahan namang umiling ang nurse at pilit na ngumiti sa'kin. A scripted smile. Pero sa kauna-unahang pagkakataon magmula nang pumasok siya dito sa kwarto, sumilay ang isang emosyon sa kanyang kulay itim na mga mata.

Awa.

Naaawa siya sa'kin. What she said next just frustrated me even more.

"Ganyan naman palagi ang sinasabi niyo. Wala namang pasyente sa asylum ang gustong umamin sa kondisyon nila. Kung ako sa'yo, ititikom ko na lang ang bibig ko bago ka pa marinig ng warden. She doesn't like it when patients say that. At maniwala ka sa'kin kapag sinabi ko sa'yong pagsisisihan mo ito.." Huminga siya nang malalim at inilagay ang ilang tableta ng gamot sa kamay ko. "Now, just be a good patient and drink your meds."

Hindi ko pa rin ininom ang gamot na binigay niya sa'kin. Kung sakaling lason pala ang mga tabletang ito, hindi na ako magtataka kung agad akong mamamatay. Wala akong ideya kung kailan pa ang huling kain ko, pero sigurado akong walang laman ngayon ang sikmura ko. It's nothing new. Palagi naman akong nalilipasan ng gutom.

I'm honestly surprised that my stomach hasn't digested itself yet.

Namuo ang tensyon sa pagitan namin ng babae. Sa kabila ng maputla niyang balat at bitak-bitak na labi, sa hula ko nagkakalapit lang ang edad naming dalawa. Maybe she was a couple of years older than I am, but that's the least of my concerns now. She kept staring at me with that empty and creepy expression on her pale face.

✔Welcome to the Asylum Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon