DUODECIM

469 63 6
                                    

---

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---

APRIL 12, 2017

Hindi ko alam na ang babaeng nakilala ko kanina ay ang susunod nilang pasyenteng ooperahan. She was such a sweet and innocent girl... I heard Dr. Rabbit almost killed her today. Palaging ganito sa Eastwood Asylum. When they see it fit or when the doctor gets bored, they'll perform a surprise surgery. Of course, the warden enjoys this. Kinakaladkad nila sa loob ng opisina ni Dr. Rabbit ang  malas na mga nilalang at doon nila pinagkakatuwaan ang pag-oopera sa kanila. Noong isang linggo, may pinutulan sila ng mga kamay at paa. The body parts were hidden somewhere in the asylum. They say that they're doing this to "fix" us, but I know they're not. Nakakalungkot lang isipin na ang babaeng pasyenteng nakausap ko kanina ay sumailalim na sa lobotomy. They cut open her head in hopes of curing the madness this place gave her.

Matagal kong tinitigan ang pahina. Pakiramdam ko pilit akong hinihila ng kulay itim na tintang humulma sa mga salitang nakasulat dito. Still, I couldn't help but notice the way the writer's handwriting became messier at the end. Para bang nanginginig ang mga kamay niya nang isulat niya ito. Sa hindi malamang dahilan, nararamdaman ko ang takot niya.

'This place isn't fixing us; it's slowly murdering us!'

Huminga ako nang malalim at isinara ang lumang journal. Hanggang ngayon, wala pa rin akong ideya kung sino ang dating pasyenteng nagmamay-ari nito. I don't know why this felt important or how this journal got under my bed. Paulit-ulit akong naghahanap ng sagot sa mga pahina nito, pero para bang ayaw nitong isiwalat ang lahat ng mga sikretong itinatago nito.

Ibinalik ko na lang ito sa ilalim ng unan ko. Ilang sandali pa, dumako ang mga mata ko sa bintana.

'May paraan kaya pa makalas ko 'yong mga rehas?'

Out of curiosity, I grabbed my crutches and limped towards the direction of the high window. Kumikirot pa rin ang nabali kong binti, pero hindi ko na muna ito ininda. Marami pang mas mahahalagang bagay kaysa sa nabali kong buto. Kung kailangan kong magsakripsyo ng mga binti o kamay para lang makaalis dito, gagawin ko.

I'll get out of here even if it means I have to crawl out of those gates half-dead.

"Shit."

Mahina akong napamura nang mapansin kong masyado palang mataas ang maliit na bintana. Sumulyap ako sa loob ng silid para maghanap ang anumang matutungtungan ko. But aside from the bed, there's nothing else here. Sa kondisyon ko ngayon, hindi ko ito magagawang itulak papalapit dito.

Huminga ako nang malalim at sinubukang abutin ang mga rehas. Nangangalawang na ang mga ito, kaya posibleng may magawa akong paraan para kalasin ito. I'll need to figure out a plan B on my own.

Halos banatin ko na ang mga buto ko sa braso habang pinipilit itong abutin. Nanghinang bigla ang mga tuhod ko sa pwersa. Pakiramdam ko makakalas na ang mga buto sa balikat ko. Ang isa ko namang kamay, nanginginig nang nakakapit sa saklay na sumusuporta sa bigat ko. Napadaing ako sa sakit nang halos mawalan ulit ako ng balanse.

✔Welcome to the Asylum Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon