SEX

551 75 4
                                    

---

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---

SEVEN days.

Kung tama ang pagkakaalala ko.

Minsan kasi, ayoko nang pagkatiwalaan ang mga memoryang pumapasok sa isip ko. Pero kung pagbabatayan ko ang kalendaryong palagi kong nadaraanan sa may hallway, isang linggo na ang nakalipas mula nang mapagdesisyunan kong tumakas dito sa Eastwood Asylum.

After taking a shower, they escorted me back to my room. Nakakatuwang isipin na pinapahalagahan pa rin ng impyernong ito ang personal hygiene ng mga pasyente kahit na may itinatago silang baho. Fucking ironic, if you'd ask me. Bukod pa rito, palagi nang nakabantay sa'kin sina Nurse Isabelle at Nurse Bruce. Oo, aksidente kong narinig ang pangalan ng lalaking nurse na hindi nagsasalita.

Ang parehong nurse na bumali sa buto ko sa binti noong nakaraan.

Ang parehong nurse na tumutulak sa wheelchair ko ngayon habang dinaraanan namin ang tahimik na pasilyo.

Sumulyap ako sa kanya. His empty eyes were focused straight ahead but his Chesire cat like grin looked murderous. Hindi na ako magugulat kung sa katayan na ako dalhin ng nurse na ito. 'Sila ang totoong mga nasisiraan ng bait sa lugar na 'to,' isip-isip ko. Halos mabingi naman ako sa ingay na likha ng mga gulong nitong wheelchair na para bang ipinapaalala sa'king hindi na muna ako makakalakad nang maayos sa susunod pang mga buwan.

Bakit sila pa rin ang mga nurse na nag-aasikaso sa'kin?

Sinabi nila noon sa warden na naaksidente ako, kaya nabali ang buto ko. I tried to defend myself and tell them that the bastard did this on purpose. Pero para bang wala siyang naririnig tuwing sinusubukan kong magsabi ng totoo. Akala nila nasisiraan ako ng bait. Sino nga namang maniniwala sa mga sinasabi ng isang pasyente?

A few days ago, after my surgery, Nurse Isabelle emotionlessly warned me in a low voice. May kasama pa itong mariing pagpisil sa braso ko na naging dahilan para magkaroon ako ng mga pasa.

"Pinapasabi ni Nurse Bruce, subukan mo raw ulit magsumbog sa susunod at baka pati ang isa mo pang binti, baliin niya. He wanted to cut you in half earlier, but I stopped him. Wala ka pa namang ginagawang mali. At 'wag mo nang subukang magkamali. The asylum's punishment for naughty patients is very... unpleasant."

Unpleasant?

If they call a hidden torture basement "unpleasant", then I don't want to fucking know what's worse than that.

Dumako ulit ang mga mata ko sa kalendaryong nakasabit sa kalapit na emergency exit ng gusali. Punit-punit na ang ilang bahagi nito at pakupas na pero nababasa ko pa rin nang malinaw ang mga numero. I have discovered that every afternoon, a nurse crosses out the numbers using a bright red marker to keep track of the dates.

Today is the 10th day of April, 2020.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung alin ang mas kinatatakutan ko.. ang mahuli ng warden sa sandaling tumakas ako o ang tuluyan nang masiraan ng bait bago pa mangyari ang araw na 'yon?

✔Welcome to the Asylum Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon