---
HINDI na ako nagulat nang mapansin ko ang ilang patak ng dugo sa kama ko. Crimson droplets stained the steel metal bed, making it look like a gruesome canvas.
Pagak akong natawa.
'Great. Now my eardrums are literally bleeding.'
Ramdam ko ang mainit na likidong pilit kumakawala sa mga palad ko. Still, I desprately tried to press them harder against my ears to block out the noise. Sa kabila nito, naririnig ko pa rin ang mga sigawang nagmumula sa pasilyo. Buong akala ko nasanay na ako dahil ilang linggo ko nang pananatili rito sa asylum. Akala ko hindi na ito magkakaroon ng epekto sa'kin. I guess I was bloody wrong again.
I couldn't keep the humorless laugh from esaping my dry lips.
Kung kailan kami pupuslit sa opisina ng warden, saka naman lumakas ang mga sigawan nila. Kumakalampag ang mga pasyente sa kanilang mga pinto na para bang gusto na nila itong sirain. Sa paglipas ng bawat segundo, lumalakas lalo ang ingay. Pakiramdam ko minsan, sinasadya na nila ito.
They want me to go crazy, that's why they're pushing me to the limit.
'Or maybe you are already crazy, Asmodeus?'
Napapikit na lang ako sa inis. Halos mamaluktot na ako sa kama. Alam kong tumatagaktak na ang pawis sa katawan ko habang hinihintay ko ang pagdating ng mga nilalang na makapagliligtas sa'kin ngayong gabi. The absence of a clock made it difficult to tell whether or not it was already midnight. I have no idea how long I need to endure the screams.
Bakit ba ang tagal nila?
Nang marinig ko ang pagbubukas ng mga kandado sa labas ng pinto, nakahinga ako nang maluwag. Agad akong umupo nang maayos at kinuha ang saklay ko. The door creaked open, revealing a lanky figure sneaking into my room. Isang malawak na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Para bang hindi siya naaapektuhan ng mga ingay sa labas.
"Hey!"
"Nasaan si Mary?"
"Um... she couldn't come. Nagwawala siya kanina kaya tinurukan siya ng pampatulog ng mga nurse. I couldn't wake her up."
Shit. Huming ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Si Bloody Mary dapat ang look-out habang nasa loob kami ng opisina ng warden. Kung ganoon, wala na kaming magagawa kundi bilisan ang pagkuha ng records ko at umasang hindi kami mahuhuli.
"Sorry I'm a bit late, bro. Maraming bantay kanina sa hallway. I had to make them 'disappear' first. HAHAHAHA!"
'Baka ginawa na naman nilang fertilizer.' Paika-ika na akong naglakad papalapit sa pinto kahit na dumudugo pa rin ang mga tainga ko. There are far more important things right now than worry about these bleeding eardrums.
"Itutuloy natin ang plano. Kailangan na nating bilisan. Ang sabi ni Nurse Isabelle, tuwing hatinggabi hanggang 12:30 a.m., wala ang warden sa opisina niya. That gives us less than thirty minutes to sneak in, find my files, and sneak out of that place." Malakas kong sabi. Halos hindi na kami magkarinigan dahil sa ingay sa labas.
BINABASA MO ANG
✔Welcome to the Asylum
HorrorRead at your own risk. --- Bookcover credits to @KristelJinPorazo