---
HINDI ko matandaan kung paano ako napunta sa lugar ito.
Hindi ko na maalala.
O baka naman wala talaga akong naaalala?
'Maybe my mind is torturing me again,' mahina akong natawa at huminga nang malalim. Nakagagong isipin na para bang hindi ako makahinga sa kabila ng katotohanang mag-isa lang ako dito sa kwartong 'to. Dati, akala ko isang paraiso ang asylum---isang lugar para sa mga katulad kong hindi alam kung mapupunta ba sa langit o masusunog sa impyerno. In my head, I had always envisioned my "not-good-not-bad place" as a neutral sanctuary. Isang lugar kung saan ako makakatakas sa kadiliman ng reyalidad.
For more than a decade, I thought the asylum is a salvation.
"But no one fucking told me that salvation tasted like those bitter pills they force to shove down my goddamm throat."
The hard metal bed felt cold under my skin, sending shivers down my spine. Nakasuot ako ng kulay puting damit at pantalon, na mukhang madaling mamantsahan. I instantly hated it. Kung makikita lang ni mama ang suot ko ngayon, baka sinigawan at ginilitan na niya ako ng leeg. When I was studying, she never liked it when I get my white uniform all dirty. Nang nagsawa na siyang murahin ko, isang maliit na mantsa lang at sinunog na niya ang damit ko---kasama ang mga kagamitan at libro ko sa eskwelahan.
I'm pretty sure she would have burned me alive too if she had a chance.
Mahina akong natawa at inilibot ang mga mata ko sa paligid. Aside from this steel bed, wala nang laman ang silid. Kulay puti ang mga pader, ngunit mula dito sa kinauupuan ko, napapansin ko ang pagkakabitak-bitak ng pintura nito. The old white paint peeled off like animal skin when butchering them. Skinning animals alive is fun to watch.. my uncle made me watch it over and over again. Hanggang ngayon ay nanunuot pa rin ang amoy ng sariwang dugo sa isipan ko.
Ang tanging nakapagbibigay liwanag sa maliit na espasyong ito ay ang bintanang kasing-laki lang yata ng bondpaper. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang lagyan ito ng rehas. Napasimangot ako. It's not like they need to keep something out, right?
'Or maybe they're keeping something in?'
Hindi ko na muna pinakinggan ang utak ko. Walang akong panahong pakinggan ang mga kasinungalingan niya. As fucking ironic as it sounds, but I don't trust my brain anymore. Ilang sandali pa, dumako naman ang mga mata ko sa pintong yari sa metal. Marumi na ito at nangangalawang na ang ilalim.
The rotten door had a small rectangular opening. Pero katulad ng bintana, mayroon din itong rehas.
Malalamig na rehas.
"Ano bang ginagawa ko rito?"
Ilang oras pa lang akong gising, pero pakiramdam ko masisiraan na ako ng bait. Kanina nang magising ako sa lugar na ito, agad akong nagwala at pinaghahampas ang ulo ko sa pintong 'yan. I was being motherfucking hysterical and I was terrified of the demons lurking in the corners. Nang sa wakas may nakapansin sa'kin, nagmamadaling pumasok ng kwarto ko ang ilang mga nurse na may dala-dalang syringe. Kasunod nilang pumasok ang isang babaeng mukhang nasa late thirties na niya.
BINABASA MO ANG
✔Welcome to the Asylum
TerrorRead at your own risk. --- Bookcover credits to @KristelJinPorazo