UNDEVIGINTI

414 64 5
                                    

---

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---

"YOU don't think I look like a lunatic, do you?"

Matagal bago sumagot ang kausap ko.

"Hindi ka naman nababaliw. 'Wag kang maniniwala sa sinasabi nila, Asmodeus."

"Gusto nila akong masiraan ng bait. Hahahaha!" Niyakap ko ang mga binti ko at umiling-iling. Bumaon ang mga kuko ko sa balat. Hindi na ako nagulat nang maramdaman ko ang mainit at pulang likidong kumawala roon. The pain was nothing but a dull reminder that I'm still alive. I fucking hate it.

"Ganyan ka na bago ka pa pumasok sa asylum na 'to."

"Ano nang gagawin ko?"

"Kill yourself."

"HAHAHAHAHAHA!"

Napuno ng malalakas kong pagtawa ang loob ng silid. Gusto ko nang gumulong sa dugong nasa sahig. Maya-maya pa, isang malamig na presensiya ang tumabi sa'kin at marahang kinalmot ang braso ko. Nakakapanindig-balahibo. Pakiramdam ko hindi na ako makahinga nang maayos. I watched in amusement as the scratches dug deeper and deeper into my skin. May panggigigil ang bawat kalmot na para bang gusto nila itong bumaon sa buto. Alam kong natutuwa ang mga demonyo habang pinagmamasdan nila ako sa isang sulok ng silid. Dark horned figures with crimson red eyes.

Waiting for a chance to snatch my soul.

Isang mapait na ngiti ang pumunit sa mga labi ko. Binalingan ko ang kasama ko.

"Totoo bang may mga pinatay ako? Iyon ba ang dahilan kung bakit ako nandito?"

Hindi siya sumagot.

Sumiklab ang galit sa dibdib ko. Tangina.

"SUMAGOT KA NGA! BAKIT BA AYAW MONG MAGSALITA, HA?!"

Halos magwala na ako dahil sa sobrang galit. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. Halo-halo na ang mga emosyong nararamdaman ko at lalong umikli ang pasensya ko. Naninikip ang dibdib ko at tuwing sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko, palagi lang akong natatalo. 'Bullshit, Asmodeus! Ano bang nangyayari sa'yo?!' Nanginginig kong sinabunutan ang sarili ko. I wanted to either pull my hair from my scalp or just tear the skin from my skull. Anything will do.

Humiga ako sa duguang sahig.

"B-Bakit ba ayaw niyong sagutin ang mga tanong ko?!"

Buong magdamag lang akong nakatulala roon sa kausap ko. Dumugo ulit ang mga tainga ko dahil sa mga ingay na nagmumula sa pasilyo. Hinayaan ko na lang, tutal naman tuluyan na yata akong namanhid sa anumang pananakit na gawin nila sa'kin.

Bakit ba sa akin pa nangyayari ang ganito?

It seems like life wanted me to suffer the most.

Hindi ako umalis sa posisyon ko hanggang sa masilayan ko ang pagpasok ng liwanag mula sa maliit na bintana. Tumama sa pisngi ko ang init na hatid ng araw. 'Umaga na pala,' walang-gana kong isip habang dinadama ang malamig na sahig sa balat ko. I still laid on a pool of fucking blood. A sadistic smile twisted my lips.

✔Welcome to the Asylum Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon