enjoyyy~
___Day 7: Suitor
Margaux's POV
11:27 a.m
Sa sobrang hingal ko ay napahawak nalang ako sa mga tuhod ko. Shit! Napatingala nalang ako sa kwarto ng aming Manager at napailing, naiiyak na ko.
"Uh-huh, Ms. Menaide you're 30 minutes late again." Agad akong napatayo ng deretso ng marinig ang boses ni Ma'am Eunice. "Ma'am.. I'm sorry po! Sakit ko na po talaga ito since birth." Pagmamakaawa ko.
"Well, Ms. Menaide kung lagi ka palang late di ko alam kung anong mangyayari sayo." Napayuko naman ako at agad na nangilid yung luha ko. "Ma'am.. I don't know what to do po." Pag-amin ko dito.
Napabuntong hininga nalang ito at agad na napahalukipkip. "I don't know Margaux, ikaw lang makakagawa sa sarili mo na agahan ang pagpasok. I suggest mag-alarm ka ng 9:40, 9:45, 9:50. Damihan mo pa lalo para magising ka, okay?" Napangiti naman ako dahil kinausap ako ng mahinahon ni Ma'am Eunice.
"Okay po Ma'am, thank you so much! Magbibihis na po ako." Paalam ko dito at agad na nagbihis ng uniform ko sa cr namin at pumasok sa kusina. Napaiwas nalang ako ng tingin ng bigla akong tarayan nung isang cashier namin bago ako makapasok, and I think that's Ysabelle.
Binati ako ni Mitch at agad na ginaya sa magiging space ko. This is it, Maggie!
"For your first dish, one pot roast Maggs!" Sabay ngiti ni Amanda, napangiti naman din ako at agad na kinuha ang inabot niyang paper.
Nagsimula na kong kumilos at kumuha ng malalim na kaldero. I chopped the onion and garlic into small dice, at ginawa na ang dapat na gawin.
Dumaan ang break ni Mitch at agad akong nanlumo dahil napakadaming papel ang inabot sakin. Shit..
Inapuyan ko ang pinaka-last na kalan at nilagyan ng kawali, you can do it! Dahil mamaya ay pahinga mo rin naman.
Nang maamoy ko ang Fajitas ay pinatay ko na ang apoy at nagsimula ng mag-plating. Damn, I'm starving.. Binilisan ko nalang ang pagkilos at pagbigay ng mga pagkaing inihanda ko.
Nang pumatak ang alas sais ay oras na para naman sa break ko, AT LAST!
Lumabas na ako sa kusina at pumunta sa rest place naming mga empleyado. Bago pa ko makasubo ng pagkain na hawak ko ay agad akong tinawag ni Grace.
"May dumating na delivery guy kanina, Maggs! Kaso sa sobrang busy nang lahat nakalimutan ata sabihin sayo, pero sabi naman nung delivery guy babalik nalang daw siya." Agad namang tumaas ang kilay ko. Delivery Guy? "Right, Jonnel?" Tumango naman yung janitor namin bilang pagsang-ayon.
"Wala naman akong pinadeliver ah." Kunot-noo kong sinabi sa sarili ko, sabay subo sa tuna sandwich na ginawa ni Papa para sakin. "Ewan ko eh, basta he's looking for Ms. Margaux Menaide daw. Eh alangang kami yon? Nag-iisa lang dito yung pinakamahabang buhok." Sabay tusok ni Grace sa tagiliran ko.
Nahampas ko naman ito, dahil malakas ang kiliti ko don. "Sira, baka naligaw lang." Natatawa kong sambit. "Naligaw your face, pustahan pa tayo babalik yon." Ani Grace at agad na nagpaalam kasi tapos na daw ang break nito.
Ah, tapos na din pala break ko. Bat parang ambilis?
Napakamot nalang ako sa ulo ko at agad na bumalik sa kusina. "Okay ka lang Mitch?" Tanong ko ng makitang pinagpapawisan ito. "Yessss! Kayang kaya no." Ngiting sagot nito at agad na bumalik sa niluluto.
Napangiti nalang din ako at agad na napalingon kay Ysabelle ng tawagin ako nito.
"Two banana split." Taas kilay na sambit nito sakin. Kinuha ko naman yung papel at ngumiti sa kanya, pero inirapan niya lang ako at agad na bumalik sa pwesto niya.
BINABASA MO ANG
Days With You
RomanceThere's a girl named Margaux Chienerry Menaide. When Margaux was thirteen years old her Lolay (her mother's mom) decided to stay all of them in California for good, because they have a large business there. So when Margaux was thirteen years old the...