Chapter 10

15 2 0
                                    

enjoyyy~
___


Day 30: Okay






Margaux's POV



Isang nakakalungkot na araw dahil wala akong trabaho sa loob ng isang buwan, and worst baka hindi lang isang buwan.

Pansamantalang pinasara muna ni Ma'am Eunice yung restaurant niya, dahil may importante daw siyang aasikasuhin. Hindi niya masabi kung ano pero sa tingin ko hindi maganda, kasi habang nagme-meeting kami kahapon ay mugto yung mata ni Ma'am. And I really hope she's okay.

Yes, bad news to. Pero may magandang dulot para sakin. Kasi makalipas yung tatlong linggo eh panay ako commute at lakad ng gabi. At natatakot na ko dahil may mga tarantadong lalaki ang panay cat calling.

And yes, sad to say namimiss ko na yung paghahatid sakin ni Thorn sa bahay. Hindi ko na kasi siya nakikita sa restaurant. I don't know what's his problem, o sadyang porket nagka-girlfriend lang siya ay hindi na siya nagtatrabaho dun. At pansin ko ding bumalik na siya sa dati na.. walang pinapansin na kahit sino.

I really want to know what's his problem, because he's driving me nuts. And everytime we had a friends bonding he always avoiding me and keep talking to his phone or laptop anytime and anywhere, and it's super duper annoying.

Well, I thought we're friends right..



*RINGGG!!!*

[ Penelope calling... ]




I sighed then pick up my phone, "What?" Mataray kong tanong.

"Nah, hanggang ngayon galit ka pa din?"

Agad akong napairap sa sinabi niya, "FOR GOODNESS SAKE?! Nag-away kayong magkambal dahil sa isang lalaki?" Inis kong sambit. Yes, you heard it right. Now I know what's going on between Pen, Ven and fvcking Yves. At naiinis ako sa magkambal dahil hinayaan nila yung ganong pangyayari.

"Hindi naman away yun, Maggs.."

"Ano pala? LOVE TRIANGLE lang?!"

"Hehe wala, tara gym."

Napairap naman ako at agad siyang binabaan ng linya, wala your face. Agad naman akong bumangon at pumunta sa closet para magbihis ng black sports bra and black comfy short with white nike rubber shoes.

Pagkababa ko ay nagpaalam na ko kay Mama na maggi-gym ulit ako kasama si Pen, yes ulit. Kasi nung mga nakaraang day-off ko ay nagyayaya palagi si Pen na mag-gym kami.

Habang naglalakad palabas ng village ay bigla akong napatigil nang makita ang isang babaeng nakadress na black at naglalakad dala-dala ang kanyang LV bag, nice.

Pero agad na nawala ang pagkamangha ko nang mamukhaan kung sino to.



"Margaux?" Napairap naman ako sa kawalan at hinarap ito.

"Hey, Rachel."

"Hi! I don't know you're village is also here. May I ask if you know kung saan ang bahay ni Thorn?" Natawa ako sa isip nang marinig ang tawag niya kay Thorn. Kailan pa pumayag yong taong yon na magpatawag sa first name niya?! Kala ko ba Gel or Angelo, Tss.

"I don't know his house, kaya siguro may guard sa entrance para dun magtanong." Nakangiti kong saad. "Eh kasi sabi ko pupunta ako sa bahay ni Thorn, and they called Thorn's house to make sure and they said na inaasahan naman daw akong pumunta don so they let me in." Inis na sagot nito.

"Ah bumalik ka nalang ulit sa entrance, tas dun ka magtanong. By the way, kala ko ba girlfriend ka ni Thorn? Hindi ka pa ba nakakapunta sa bahay nila?" Tanong ko dito, Hmm.

Days With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon