enjoyyy~
___Day 37: Truth or Dare
Margaux's POV
"Margaux, you sure hindi ka na maghahanap ng ibang trabaho? Always ka nang nakahilata dyan." Agad naman akong napabuntong hininga sa sinabi ni Mama.
"Maaa, ayoko na maghanap kung temporary lang naman. Hihintayin ko si Ma'am Eunice, mas feel kong magtrabaho sa kanila kahit na saglit lang yun no." Sagot ko dito.
"If that's what you want then okay, I'll support you. Pero wala ka namang magagawa dito, ayaw mo namang sumama kay Pen every saturday kasi sabi mo tinatamad ka na mag-gym. Eh yung iba mong mga pinsan busy naman sa trabaho kaya wala kang ibang makabonding." Ani Mama at umupo sa kama ko.
"Nah it's okay ma, one month lang naman yung sinabi ni Ma'am Eunice matitiis ko pa yun--"
"Pero what if kapag sumobra nga sa isang buwan?" Agad naman akong nanlumo sa sinabi ni Mama. "I don't know, Ma." I answered then gumulong-gulong sa kama.
Pero agad akong napatigil ng biglang mag-ring ang phone ko.
"Hoy tanga."
"Napakagandang bungad naman nun. Anong kailangan mo, Irish Nicole?"
"Ew yuck, don't call me Nicole. Bat pag tumatawag talaga ako sa inyo tingin niyo may kailangan agad ako? Ang kakapal ng mukha niyo!"
"Eh totoo naman, tsaka halata kaya palagi sa boses at mukha mo pfttt." Natatawa kong sambit.
"Tse! Movie night daw since inaamag ka na dyan sa inyo balita ni Penelope."
Agad naman akong napairap sa sinabi niya, siraulong ballpen. "Nice, infairness di kayo busy?" Tanong ko dito.
"Well kami ni Venelope kasi pinayagan kami ng manager namin na magday-off ngayon, ewan ko lang sa tatlo."
"Okay then, when and where?"
"Ngayon na agad sa bahay ko. Kasi you know, paparazzi."
Agad naman akong natawa, "Yes actress, paparazzi my ass." Pinatay ko nalang ito at agad na pumunta sa closet ko.
"Bonding?"
"Yes Mom, Irish called. And I think di na kami papauwiin nun, so automatically slash overnight." I answered. "Okay then, gamitin mo nalang ang kotse ko, sasabay nalang ako sa Daddy mo bukas." Ani Mama.
Hinalikan ko naman ito sa pisngi, "Thank you, Mom." Sambit ko dito. "Enjoy darling!" Ani Mama at agad na lumabas.
Sinuot ko na ang black pajamas ko at nagbaon ng oversized white t-shirt at black short at inilagay sa maliit kong bag. Well kapag sinabing movie marathon, pajamas is our main outfit.
Nagpaalam na ko sa kanila at agad na pinaharurot paalis ang kotse. Dahil alam kong matatagalan lang ang pagpapaalala sakin ni Mommy dahil uulit-ulitin niya lang yun kahit na sampung beses niya na ata nasabi yun sakin kanina.
Makalipas ang fifteen minutes ay naghahanap ako ng free space sa mga kotseng nakapila sa harap ng bahay nila Rish.
Nang makita ko ang kotse ni Sabet ay nag-park nalang ako sa likod nito. Bat parang napakarami naman ata ng kotse?
"Hey."
Agad akong napalingon sa likuran ko ng may narinig akong boses.
"Hey, Lincoln right?"
BINABASA MO ANG
Days With You
RomanceThere's a girl named Margaux Chienerry Menaide. When Margaux was thirteen years old her Lolay (her mother's mom) decided to stay all of them in California for good, because they have a large business there. So when Margaux was thirteen years old the...