CHAPTER 2

234 110 0
                                    

ZIRE'S POV

INHALE,EXHALE,INHALE
WOHHHHHHHHHHH!!!!

Wazzzzzzuuuppp dude!!!!
wag kang ano!! "what's up" yan.

ULIT !!!!
TAKE TWO, TAKE TWO!!!!

wazzzzzzuuuuuppp dude!!!!
oh diba!!! hahahhahahah I'm Savaira Zire Darcilla 17 years of age turnin' 18

pero single pa rin!!!!

so ayun na nga...sobrang swerte kasi nakalusot na naman ako kay Mr. Alfonso, hahaaa,,,kaya yan ang dahilan kung bakit ayos lang sakin ang ma-late!!!!
da best kasi ang bestfriend ko...kung galit ang professor, tsskk...naka-ngiti pa yan...abnormal nga di ba???

Ayun nga!!! para akong aatakihin ng asthma ko rito sa sobrang bilis ng takbo ko kanina, at ngayon ay nandito ako sa...hmmm...ayun!!!

Nasa gitnang bahagi ako nang campus at nakakahilong tignan ang nagtataasang mga building sa campus na to, hindi ko nga rin mawari kung school ba talaga 'to o syudad, putik!!!! mayaman kami sa kung mayaman!! pero alam kong barya pa lang ang yaman namin sa yaman ng may ari nang school na 'to. Sadyang kahanga-hanga talaga.

Nagpalinga-linga ako sa paligid nito na mas lalong minamasdan ang kabuoan ng bawat estrakturang makikita, simula sa pinakamababang building hanggang sa pinaka-mataas. Aaminin kong matagal na kami rito sa school na 'to, ngunit bagaman ganon ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang pag-kamangha sa bawat bagay na nakikita ko ngayon, ang sabi ng ilan sa aming dating classmates eh, kung ano daw ang nakikita namin ay mas higit pa raw roon ang maari naming matuklasan sa pag-lipas ng panahon na mamamalagi kami sa paaralan na 'to, bagay na nagdudulot ng kakaibang excitement sa katauhan ko.

Tinutupak na naman ako ng kabagutan ko sa sobrang tagal ng pag-dating ni Jaze panigurado na naman na sinesermunan na naman yun ni Mr. Alfonso, bagay na ayaw kong mangyari kaya kahit nakakahiya kay Jaze eh minabuti ko na lang na tumakas.

Marami-rami na rin ang mga estudyanteng puma-pasok na sa kanya-kanya nilang rooms. Kaya naman naisipan ko na hanapin rin ng mata ko si Jaze sa kumpulan ng estudyanteng dumaraan, ngunit bigo ako.

Aalis na sana ako sa mismong kinatatayuan ko dahil kumukulimlim na rin ang kalangitan dahil sa makapal at maitim na ulap, palatandaan na nag-babadya na ang malakas na ulan.

Nahagip nang aking paningin ang isang 3D art sa paanan na s'yang kinatatayuan ko. Tila ito isang kumpul ng mga armas sa loob ng malaking dyamante. Matiyaga ko itong kinilatis dahilan upang mapakunot pa ako noo, yumuko ako at sinubukang basahin ang naka-sulat sa bawat armas na naroroon.

Ang javelin at katana sword na naka-posisyong pa-letrang X na nagsisilbing mismong base ng 3D art na 'yon. Nakapatong rito ang speargun at combat knife rin sa ibabaw nito. Sa labas naman ng malaking dyamante ay naka-palibot ang mga salitang pinilit ko ring intindihin ngunit hindi ko talaga mawari.

Sa bawat armas ay may naka-ukit na hindi ko mawari kung pangalan ba ng tao o ano, Ang javelin na naka-tayo diagonally ay nauukitan ng salitang "Acer".

Matapos sa javelin ay umatras ako ng tatlong hakbang at idinako ko ang aking pangin sa kasalungat na armas nito. Gaya rin ng inaasahan ay mayroon rin itong nakaukit na nandoon sa mismong handle ng armas na ito.

Ang armas na katana sword na kinapapalooban ng salitang "Blade",
weird man sa pandinig at pakiramdam ay mayroon naman sa kabilang panig ng pagkatao ko na namamangha sa nasasaksihan na uri ng likhang sining.

Napangiti ako at idinako ulit sa sunod na armas, animong pana pero may halo na nang pagkamoderno ang isang armas na ito. Speargun kung tawagin, isang uri ng armas na parang pana at palaso pero ang isang ito ay hindi na kinakailangan pang hilahin ang arrow na syang nagsisilbing bala sa kadahilanang mayroon na itong button sa handle nito.

LOST IN REALITY, FOUND IN FANTASYWhere stories live. Discover now