CHAPTER 7

125 89 0
                                    

ALTHEA'S POV

BANGGG!!!!

Matapos ang lahat ng pang-umagang subjects, matitinding recitations at mahahabang quizes kung quiz pa nga ba ang tawag doon, ay narinig ko na naman ang hudyat na lunch break na.

Putok ng baril!!

Inaayos ko ang gamit nang maramdaman kong mag-vibrate ang cellphone ko. Agad-agad ko na namang kinuha ito at tinignan ang caller.

Ms. Velaria?!

"Hello Ms. Velaria?" tawag ko sa kabilang linya.

("Ms. Hutalla, please come here in my office, I'll give you a task that you should accomplish...now." ) aniya sa kabilang linya.

"Can I first take my lunch Ms.?" may alinlangang tanong ko.

"Susunod ka o isusunod kita?" may diing tanong nya. Nangilabot ako sa narinig.

Bakit naman kasi Thea naisipan mo pang magmatigas?!

"Ok Ms., I'll be there in 5 minu--"

"2 minutes, you should be here in just 2 minutes...important things to discuss Ms. Hutalla." huling aniya bago tuluyang ibaba ang linya. Napatitig na lang ako sa hawak-hawak kong gadget.

Nagmadali ako sa paglalakad, halos nga takbuhin ko na ang pagitan ng room namin at ng office ni Ms. Velaria. At nang marating ko ang bukana ng building ng kinaroroonan ko nagpakawala muna ako ng malamin na buntong hininga tyaka nagpatuloy.

"Ms. Hutalla, kanina pa po kayo hinihintay ni Ms. Velaria." anang babae, tinaguan ko na lang ito ay nagpatuloy na hanggang sa makasakay sa elevator.

Habang inaantay na bumukas ito ay hindi ko mapigilan ang mangamba.

Bakit kailangan na ganito maging kaaga?

Inaasahan ko na sa ikalawang linggo pa ng August o di kaya ay pagkatapos na ng first quarter examination nya ako ipapatawag eh last day pa lang ngayon ng July. Pero bakit agad-agad.

Natagpuan ko ang sarili kong nakatayo na sa labas ng pinto ng office ni Ms. Velaria. Itinapat ko ang aking hintuturo, automatic namang bumukas ang pinto. Lahat ng officers ay naka registered ang mga fingerprint.

"Have a seat." aniya habang nakaharap sa glass window, kung saan kitang-kita ang kabuoan ng Devilla. "Alam mo ba kung bakit kita pinapunta dito?" tanong nya na nasa ganoon pa ring posisyon.

tsk...malamang hindi!!

(<.<)

"Bakit po Ms." tanong ko sa kanya ng tuluyan na akong makaupo.

"May ipapagawa ako sa'yo...gusto kong puntahan at papuntahin mo dito ang lahat ng apat na gangs ng Devilla." aniya at dahan-dahang humarap sakin.

"But Ms. I still have classes to attend." nagaalangang tanong ko.

"Nagrereklamo ka ba Ms. Hutalla?" mataray na tanong nito, nanliliit ang mga mata. "Kasi kung nagrereklamo ka, you're free to leave this place." pumunta ito sa likuran at yumuko. "Yun ay kung makakaalis ka." Nanindig ang balahibo ko sa dating ng pagsasalita nya. Maawtoridad na kahit sino ay hindi magagawang hindi sumunod sa nais n'ya.

Napapatikhim ako nang magtangka akong magsalita.

"Ok Ms. pupuntahan ko sila." pagsunod ko sa utos n'ya.

Tangka na akong lalabas ng room ng magsalita itong muli.

"Althea, sa Secret Door ka dumaan papunta doon. Bilisan mo." maawtoridad na aniya.

LOST IN REALITY, FOUND IN FANTASYWhere stories live. Discover now