CHAPTER 11

98 75 0
                                    

JAZE'S POV

"Ang sarap naman nito! grabe namiss ko kumain ng mangga!" kasalukuyan kaming nasa taas ng punong mangga. Hindi ko maiwasang matawa kay Caiye, parang batang sinisimut ang hawak na prutas.

"Mas masarap yung ipis." seryusong saad ko sabay kagat sa hawak kong mangga.

"Ano? kadiri ka talaga!" maarteng aniya.

"Alam mo ang arte mo na, nakapunta ka lang ng ibang school, ganyan ka na? baka nakakalimutan mo? paborito mong amoyin ang utot namin ni Zire diba?" mapanudyong saad ko saka umayos ng pagkakaupo sa sanga.

"At pano ko naman naging paborito yun?"

"Kasi sabi mo na pag-inamoy yan ay makakaiwas ka sa cancer." pilit ko pa ring nilalabanan ang kagustuhang tumawa, at nagtagumpay naman ako.

Sakit sa tyan!

"Ewan ko sayo!" hindi nito maiwasan ang maburyo, sa kanilang dalawa ni Zire ay talaga namang mas maarte ang isang to.

"Bakit? totoo naman ah? magdi-deny ka pa!" panunudyo ko ulit, isasagad ko na ang kabaliwan ko.

"Tandaan mo, nasa taas tayo ng puno ng mangga Jaze, baka gusto mong mahulog?" seryusong aniya.

"Tandaan mo, you believe that you can fly? baka gusto mong lumipad ng wala sa oras?" pangbabara ko dito. Kung sa kabaliwan at patalasan lang naman ng salita, parehas kaming mararahas.

"Ano?!" namimilog ang matang tanong nya.

"I can make you fly without having wings."

"Isusumbong kita kay tita!" parang batang aniya.

"Tara, samahan kita."

"Hindi ka takot?"

"Bat naman ako matatakot?" kalamadong tanong ko.

"Kasi baka pagalitan ka nya?"

"Hahaha, para kang bata."

"A-aray...may kalamintas!" marahas at malakas nitong pinagpapalo ang mga langgam sa kanyang braso.

So sweet!

"Yan, namiss ka rin daw ng mga langgam." saad ko sabay ng malakas na tawa, pero napahawak ako sa sanga ng muntik akong mahulog.

Muntik na ahh!

"So hindi n'yo ako tutulungang umakyat? ganon? nilingon ni Caiye ang nagsalita, ako naman ay patuloy lang sa pagkagat.

"Zire?!" hindi nga ako nagkamali, nandito na si O-puff girl.

"Oy andyan na si flat!" agad na pangaasar ko dito. At uusok na naman ang ilong.

"Inaano ka ba ha Jaze? kakarating ko pa lang nangaasar ka na agad, alam mo bang wala pa akong tulog?!" iritableng tanong nito, masyadong highblood, panigurado na naman na magiingay ang dalawang to pagdating sa Chateau de Guazon.

"Eh sino naman kasi ang may sabing sumunod ka agad dito?"

"Hep, tama na yan, akin na kamay mo Zire, dali!" ibinigay ni Zire ang kamay nya kay Caiye na agad rin namang inangat, pero sadyang mabigat ang isang to kaya nahihirapan si Caiye.

"Oh eto, yapp..ahh.." pagkuha nito ng bwelo at pwersa.
"ano ba Caiye ibaba mo pa ang kamay mo." tumalon-talon muna ito at buong pwersang umindayog.
"Hoy Jaze?! hindi ka man lang ba tutulong?!"

LOST IN REALITY, FOUND IN FANTASYWhere stories live. Discover now