CHAPTER 15

97 65 1
                                    

JAZE'S POV

Dapit-hapon na nang makauwi kami galing sa market at kung saan-saan pang pwedeng pagbilhan ng mga supplies dito sa mansion. Halos baliin ko na ang balikat ko at magpagulong-gulong sa semento ng parking lot ng mansion, sobrang sakit ng likod ko dala ng halos limang oras na sakay ng van para lang mamalengke, well although hindi naman ako lahat ang namili tumulong na din ako. Pagkabukas at pagkababa ko pa lang sa sasakyan ay tumambad na naman sakin mukha nina Zire at Caiye na pagkalawaklawak na ng ngiti. Si Lailer naman ay naka-ngiti ngunit wala sa akin ang atensyon, nakatingin ito sa dalawa at lihim na tumatawa. Si Daemon naman ay nakataas agad ang kilay, ngunit ngumiti rin naman agad.

Ayaw siguro masapak
(°·°,)

Bitbit ang ilan sa mga eco-bag na dala namin galing sa palengke ay agad namang tumalima ang apat para tulungan sina Manang Tessie.

"Jaze? meron bang O-puff? meron ba? ilang pack binili mo? tatlo? apat? li--" ani Zire pero hindi na nito natapos ang sasabihin nang bigyan ko ito ng nauuyam na tingin.

"Ayan," binilatan ni Caiye si Zire na parang bata. "Talagang nasa itsura mo na ang pagiging matakaw mo eh no?" inismiran n'ya ito. "Hindi ka man lang ba marunong maghintay?" bumaling ito sakin. "Ako ba Jaze binilhan mo ba ako ng stick-O?"

Isa pa 'to?

"Nag-grade one ba kayo?" asik ko.

"Anong connect?" sabat naman ni Daemon.

"Wala naman...trip ko lang mag-background check." walang ganang saad ko.

"May maidada ka lang eh no? kahit walang kabuluhan dada ka nang dada." nakapamewang na aniya.

Ang iba kong kasamahan kanina ay nauna nang pumasok kesa sakin.

Talagang hindi man lang dinamay yung dala ko no? Haneeeep!

"Hoy, baklita tigil-tigilan mo ako! baka hindi kita matantya." ani ko habang dinuduro ito.

"Guys ang ingay n'yo." ani Lailer, napansin ko lang na sobrang tahimik nya ng mga nagdaang araw. Buhat kagabi, ngayon ko lang uli s'ya nasilayan nang matagal-tagal.

Tulad nga ng inaasahan, pagkapasok pa lang at pagkalagay sa kitchen island ay kanya-kanya nang halungkat, si Daemon naman ay nakangiting bumaling sakin hawak ang favorite n'yang brand ng foundation.

"Para kayong mga bata!" ani ko habang papaakyat sa taas. "Hain si ina?!" pasigaw na tanong ko kaya umalingaw-lingaw ang echo sa buong mansion.

"WAG KA NGANG MAINGAY!" sabay-sabay nilang sigaw kaya napa-yuko ako sa kanila sa baba.

"Ayyyy woooowww, galing no? galing?" iiling-iling kong ani. "Eh kung kunin ko kaya laaaahhhhhaaaat ng pinamili ko tapos ibenta ko na lang sainyo ano?" saad ko habang nagtatatakbo pababa sa hagdan.

"Joke lang naman Jaze eh...nandoon si Tita oh.." pagtuturo ni Caiye sa gate na parang yun na yong ina ko. "Nakita ko s'yang lumabas pagka-pasok pa lang natin."

Nilingon ko sina Daemon at Zire na dahan-dahan nang umaakyat sa hagdan kaya naman lumambitin ako sa pole sa gitna ng circular stair at inuhan na sila bago pa man sila makatuntung sa susunod na hakbang.

"Ang astig no? astig ko di ba?" nakangiting usal ko "Saan ang punta nyo mga ateng? payag ba kayo na babawiin ko na lang yan tapos ibebenta ko sainyo?" napatawa ako nang bahagya "Ang saya ng trip di ba." Si Zire ay bahagya nang humahakbang patalikod hawak-hawak ang O-puff.

LOST IN REALITY, FOUND IN FANTASYWhere stories live. Discover now