CHAPTER 6

136 94 0
                                    

LAILER'S POV

"Excuse me, Mr. Rodelio, can I enter your class?" saba-sabay kaming napalingon sa pinto. Si Jaze, hindi na nito inantay pang sumagot si Mr. Rodelio at tuluyan nang pumasok.

"Where have you been, Ms. Guazon?" tanong ni Mr. habang nakaharap sa board.

"Sa cafeteria ho sir." sagot naman ni Jaze, kinukuha ang notebook sa bag.

"At ano namang ginawa mo don?" muling tanong ni Mr. tyaka humarap.

"Nag-basketball sir." natawa ako sa tinuran ni Jaze. "At iyon ay may kasunod na isang mahabang...charroooott." aniya at naghagalpakan naman ang mga kaklase ko.

wala talagang modo ang babaita.

"Ha! late ka na nga ng forty minutes, magiingay ka pa?" nakataas ang kilay aniya Mr.

"Any sound that comes out from the mouth of a person creates noise Mr." ani Jaze habang naguumpisa nang magsulat.

"At ano namang koneksyon nyan sa sinabi kong maingay ka?" naghahamong tanong ni Mr.

"Nag-grade one ka ba?" kunot noong tanong ni Jaze. "It'll surely cause noise because you asked me...that's why I answered you, and the  to the point that my mouth started to talk, it'll release a sound, and it's not my fault if for you it's noisy." mahabang dada ni Jaze. Hindi ko akalaing magagawa n'ya yan kay Mr. Pero may point naman s'ya.

Ganyan kasi si Mr. Rodelio, minsan sya na nga ang mali, ipinagpipilitan n'ya pa rin na tama sya.

"Labas!" asik nito kay Jaze.

"Mr. Rodelio naman..." pangaayo ni Jaze.

"Wag mo 'kong matawag-tawag na Mr." blangkong ani Mr. Rodelio ngunit unti-unting ring nagbago.

"Ms. Rodelio naman..." naka-ngusong ani Jaze.

Baliw ba talaga to?
[»___«]

"Ano?!" inis na talagang sigaw ni Mr. Rodelio. Nagpalinga-linga ako at nakita ang ibang mga kaklase na halos nakayuko na sa sobrang pagpipigil ng tawa.

"Ms. Rodelio." muling banggit ni Jaze.

"Get out! get out of my class...now!" pabulyaw na ani Mr. Rodelio.

Tumayo si Jaze dala ang bag ngunit bago pa man s'ya makalabas ay muli na s'yang tinawag ni Mr. Rodelio.

"Ms. Guazon." pagtawag nito kay Jaze at saka pinandilatan ng mata. "Bakit dala mo ang bag mo?...saan ka pupunta?" takang tanong mi Mr. na may halong inis.

"Unang-una Ms. Rodelio, bag ko 'to kaya ako ang magdadala nito...hindi ko ugaling magdali ng hindi ko gamit. Pangalawa...pinalabas mo ako, kaya lalabas ako." ani Jaze na hindi man lang tinapunan ng tingin si Mr.

"D'yan ka lang sa hallway." nanguutos na ani Mr. Rodelio.

"Ngayon ko lang nalaman na labas na pala 'to para sayo Ms. Rodelio." saad ni Jaze nang nakangisi. Hindi ko na malaman ang gagawin ko kahit ako ang Peace Officer sa section ay hindi ko malaman ang hakabang na gagawin.

"At bakit?"

"Para sa'kin kasi...ang labas ay iyong wala ng bubong."

"Dada ka nang dada...wag kang aalis d'yan...makinig ka sa ituturo ko...puro kalokohan ang naiisip mo."

Nagpatuloy ang discussion, pero hindi na din ako makapag focus dahil panay ang lingon ko kay Jaze. Ngunit kung kanina ay dilat ito, nabiga ako ng makita kong...

LOST IN REALITY, FOUND IN FANTASYWhere stories live. Discover now