CHAPTER 9

105 81 0
                                    

JAZE'S POV

Naalimpungatan ako sa lakas at matining na tunog ng kutsarat kawali na pinagpupukpok ni Zire.

"Wooooaaahhh!!! bruhilda! gumising ka na!" dinig kong palahaw ni Zire. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at bahagyang nasilaw sa sinig ng araw.

"Tumigil ka nga." pagpapatigil ko sa kanya.

Bumangon na ako at naligo na rin. Matapos mag-ayos ay bumaba na rin ako at ganoon na lamang ang gulat ko nang makitang maraming nakahain sa mesa.

"Good morning!" napalingon ako sa taong nagsalita. Pero kahit hindi ko na sya lingonin ay alam ko kung sino s'ya.

Topless?!
My God?!

"Ahheemm, excuse me guys, punta lang ako sa ref. Baka kasi matunaw na ang nga yelo. Sobrang init eh." ani Zire na pinakadiinan pa ang sambit sa bawat salita.

Pero hindi ko maiwasang magtaka, parang namamayat s'ya. Nilingon ko muna si Zire bago tuluyang humarap kay Drazen.

"Ano na naman ba ang ginagawa mo dito?" nawawalang ganang ani ko. Ang aga-aga kung ano-ano ang naiisipang gawin.

Masyadong makulit!

"Ano ba Jaze...s'ya pala yung nandito kagabi sa kusina, nag-prepare pa sya nag mga lulutoin kagabi." pagsingit ni Zire, dala-dala ang isang tray na may lang pitcher at tatlong baso.

"Bakit? Ano bang meron?" takang tanong ko kay Drazen.

"Wala naman daw, naisipan n'ya lang na pumunta dito kagabi." sabat na naman ni Zire. Unti-unti na namang sumisibol ang inis ko sa ginagawa n'ya, sabat sya ng sabat!

"Zire...may tanong ako." nakangiti kunwaring tanong ko.

"Ano yun?, ano yun? daliiii...tungkol ba yan sa nag-text." kilig na kilig na aniya. Mas lalong nadagdagan ang pagkabwisit ko.

"Nag-grade one ka ba? hindi naman kasi ikaw ang kausap sabat ka nang sabat." nanliit ang mata ko, tumayo na lang ako at tumungo sa kusina.

"Aga-aga ang sungit mo na naman." nakangusong aniya. Naramdaman kong sumunod ito sa 'kin.

"Eh kasi nang bubwisit ka!"  asik ko rito, naupo ako at nag-umpisa nang kumain.

"Yan ba ang bwisit? nilantakan mo agad ang niluto nya. Para-paraan ka rin eh no?! abnoy ka talaga." maarteng aniya.

"Kumain ka na lang, pagkatapos tawagan mo na ulit si Caiye." kumuha na ito ng plato nya at nagsalin na rin.

"Teka lang, tawagin naman natin yung chef natin." hindi na ako nagsalita at hinayaan na lang s'ya sa gusto.

Maya-maya pa'y dumating na rin sila pareho.

Kakabwisit! bakit pa kasi pumunta dito eh!

"Bilisan mo Zire, pagkatapos mong kumain tawagan mo na s'ya. Aalis tayo ngayon." pagmamadali ko sa kanya. Madali kong naubos ang pagkain ko kaya pinili ko nang umalis sa mesa.

"Tapos ka na?" takang tanong ni Zire, slow talaga kahit kailan.

"Hindi, mag-uumpisa pa lang akong kumain." pamimilosopo ko. Kumuha ito ng sliced apple at binato sa 'kin pero nasalo ko naman.

"Kahit kailan napakapilisopo mo talaga!" asik nito, ginulo ko ang buhok nya at inilapit ang bibig sa tenga nya.

"Oo...kaya dapat masanay ka na." huling saad ko at tuluyan nang lumabas. Ngunit labis ang pagkagulat ko nang makita ko ang kotse ko na maayos na at nalinisan na.

LOST IN REALITY, FOUND IN FANTASYWhere stories live. Discover now