CHAPTER 10

107 78 0
                                    

DRAZEN'S POV

Matapos kong ihatid si Zire sa apartment nila ay ginamit ko na muna ang kotse ni Jaze pauwi.

Labis ang sayang nararamdaman ko ngayon, labi-labis na kung pwede ko lang paliparin ang kotse na 'to ni Jaze ay ginawa ko na, pero hindi naman ako ganoon kagaling magmaneho nang mabilis, mas sanay ako sa motor kaysa sa kotse, naiilang kasi ako, natatakot na rin, minsan na rin kasi akong naaksidente.

Papaliko na ako malapit sa gate ng village nang makita ko ang pamilyar na tao, si Lailer, hindi ko malaman kung paano ko s'ya ia-approach ngayon matapos ang mga narinig ko sa usapan nila ni Jaze. Oo narinig ko lahat, simula umpisa hanggang sa limang huling salita na binitawan nya,

"hindi ko na s'ya mahal".

Sakit non, pero hindi ko naman s'ya masisisi, kaya hindi nya rin ako masisisi dahil gagawin ko lahat bumalik lang kami sa umpisa, oo sa umpisa dahil kahit kailan man ay hindi na pwedeng maibalik ang dati, pwedeng balikan pero hanggang alaala na lang.

Tumapat ako sa pwesto ni Lailer, pero hindi ko na binagalan ang pagpapatakbo dahil mabagal na rin naman ito, at binuksan na lang ang bintana.

"Hey! where are you going?" nagaalinlangang tanong ko.

"Ah, uuwi na sana, I went to my friend, nandyan din kasi sya sa village nyo." tugon nito, namumula pa ang pisngi, hindi na rin lingid sa akin na may crush sya sa kin.

Crush lang ba talaga?

Ano?! don't tell me Drazen that you're expecting more than that?

wahhh!! baliw na ako!

Inayos ko ang takbo ng utak ko, hininto ko na rin muna ang kotse at tyaka lumabas.

"Oh, bat lumabas ka?" nakangiting tanong nya.

"Ah, para naman makapag-usap tayo nang maayos, it's rude to talk to you while I'm inside the car and you're here." senserong ani ko.

"Baka naman nagmamadali ka pauwi, naabala pa kita."

Kung hindi lang talaga sya makakahalata na iniiwasan ko s'ya ay kanina ko pa pinalipad ang kotse na to.

(»__«)

"Hindi, ahm pwede naman kitang ihatid, if gusto mo lang naman." bwisit! lalo akong matatagalan nito. Bakit ba naman kasi naisipan ko pang magpaka-gentleman eh.

Nanlaki ng bahagya ang mga mata nito, aktong aawang ang labi pero agad nya ring pinigilan.

"Hindi na, hindi na...I'll just wait here if there's a taxi that will pass by." pagtanggi nito.

"No, I'll take you home na, baka ano pang mangyari sayo dito while you're waiting for a taxi eh." nagulat ako sa reaksyon nya pero hindi ko na lang pinahalata.

What the heck!
namumula si Lailer?

"Ah, sige...ikaw bahala." pagpayag nito.

Pumanhik na kami papasok sa loob at tuluyang binaybay ang daan patungo sa kanila. Habang nasa byahe ay hindi ko talaga maiwasang mailang, tahimik lang s'ya at ganoon din ako. Pero ako na mismo ang bumasag sa katahimikan.

"Lailer.." panimula ko, pinasadahan ko ito ng tingin. "Kamusta naman sa section n'yo?" pagpapatuloy ko at tinuon na sa daan ang paningin.

"Ah, ayos naman, tulad ng dati." napangiwi ito. "Maiingay, mayayaman pero walang mga papel, ang ilang mga babae may liptint pero walang ballpen. At higit sa lahat, maraming late, hindi maalis-alis at hindi maubos-ubos." iiling-iling na aniya.

LOST IN REALITY, FOUND IN FANTASYWhere stories live. Discover now