CHAPTER 18

59 29 0
                                    

CAIYE'S POV

"Hoyyyyy yung karne ko, ang takaw-takaw mo talaga Daemon!" sigaw ni Zire habang takbo nang takbo, may laman na karne ang bibig at may hawak pa sa kanang kamay, si Daemon naman ay panay ang takbo dala ang glass bowl na lalagyan ng ulam.

"Ang gugulo n'yo!" hindi ko na napigilan, gaya nila ay sumabay rin ako sa pagtakbo at inagaw na kay Daemon ang mangkok.

Matapos ang insidente na nangyari kay Jaze ay mas pinili na lang namin na gugulin ang huling araw namin dito sa bicol sa mansion ng Guazon.

Bangayan nang bangayan ang mga tao rito, pero ang mas ikinatutuwa ko ay ang makita na talagang masayang-masaya si Jaze, hindi mawalay sa kanyang ate.

Pero kung masaya s'ya? gayon din ang lungkot na nadarama ko, bumabalik ang mga alaala ko kasama ang kapatid kong namayapa na dahil sa sakit. Kung sana lang, kung sana lang buhay pa ang kapatid ko? siguro hindi ako maiinggit sa kung kanino.

"Ate! punta tayo sa swing sa manggahan!" masayang ani Jaze, biglang nagbabago ang ugali n'ya, lumalambot, nagigi s'yang parang bata pagdating sa kapatid n'yang si Ate Raeziie Jax, lupet ng mga pangalan, reader siguro magulang nito.

"Sige baby, pahanda na natin kina manang ang dadalhin natin, but mabilis lang ah? coz it's getting late na rin kasi." malumanay na ani Ate Raeziie Jax, isa sa bagay na nami-miss ko sa aking ate, kung paano n'ya haplosin ang ulo ko, kung paano n'ya ako yakapin, lahat yun, lahat yun gusto kong madama ulit, pero sa hulihan ng kagustuhan na iyon ay ang salitang imposible, imposible ko nang magawa at madama, ang bagay na hinding-hindi na kailanman mangyayari.

"Ayos ka lang?" tanong ni Zire na nakapagpabalik sa katinuan ko, " Pansin ko kanina ka pa nakatingin sa dalawa ah?" bumuntong hininga ito, "Wag mong saktan ang sarili mo sa mga bagay na kaya mo namang iwasan." makahulugang aniya. Nilingon ko ito at binigyan ng mapait na ngiti.

"Nasasabi mo lang yan kasi wala kasa sitwasyon ko, pero kung ikaw ang narito, sa tingin ko hindi mo rin kayang maiwasan, lalo pa't, kahit pilit mong iwasan," ibinaling ko kina Jaze ang paningin ko. "patuloy ka pa ring masasaktan." tuluyan ko na lang na tinalikuran ang magandang tanawin na nagbibigay sakin ng sakit. Sabay kaming napa-igtad ni Zire nang sa likuran namin ay nakita naming nakatayo si Tita Zanlie.

"May problema ba?" tanong nito, nagkatinginan kami ni Zire at parehas na agad na umalma. "In my room." aniya at nagpatiuna sa paglalakad, saglit ko naman muna na nilingon sina Jaze.

Sana ako na lang ikaw, sana...

Agaran kaming naupo sa kami ni Zire, si Tita naman ay kinuha ang woodem chair at naupo sa harapan namin.

"Bukas na ang alis n'yo, maiiwan na naman kami dito." malungkot na ani Tita Zanlie.

Kasama n'ya naman si Daemon ah?

"Tita? kasama mo naman si Daemon ah?" tanong ko.

Ngumiti ito "Ipapasama ko s'ya sainyo, bago pa man kayo pumunta dito ay na-enroll ko na s'ya sa University n'yo." namilog ang mata ko sa sinaad ni Tita, gayon pa man ay natutuwa pa rin ako.

"University po ba namin o university nina Zire?" tanong ko ulit.

"Kila Zire, kasi gaya nga n'yan," napakamot ito sa ulo, "nasa ibang school ka tapos malapit ka lang sa pamilya mo, sila Zire malayo." naluluhang aniya.

Nagtataka man ay pinalis ko na lang ito biglaang bumalik sa alaala ko ang lalaki na naka-double ko noong laban. Napangiti ako, pero agad ring nawala nang batukan ako ni Zire.

LOST IN REALITY, FOUND IN FANTASYWhere stories live. Discover now