CHAPTER 12

101 74 0
                                    

CAIYE'S POV

Fifteen minutes na ang nakakalipas pero wala pa rin si Jaze, naguumpisa na akong mag-alala ganoon din si Zire, maging ang mga katunggali naming grupo ay nang-iinsulto na ang tingin na tila ba wala nang dadating na Wakai Chi, nandito kami para sa taonang sports tournament, hindi lang naman talaga bakasyon ang habol namin dito, isa na rin to sa gustong-gusto ni Jaze na palaging salihan.

Tournament na kung saan halos kalahati ng yaman na makukuha mo ang s'yang ipangtataya mo sa larong ito.

Nilingon ko si Zire na nakapan-dekwatro sa isang sulok habang nagmamasid sa mga abalang tao, kasalukuyan kaming nasa parking lot ng Vaglãzan kung saan gaganapin ang lahat-lahat.

"Good afternoon ladies and gentlemen, are you all guys ready?!" maganang panimula ng kung sino man na nakatayo sa bubong ng isang kotse.

'YEAHHHHHHHHHHH!!'

'WOAHHHHHHHHHHH!!

'SIMULAN NA YAN!!!!'

Kaliwat-kanan ang naging hiyawan ng mga tao, anong oras na pero wala pa rin sya, baka kung ano nang nangyari don.

Masyado na akong kinakabahan para kay Jaze kaya minabuti kong puntahan si Zire. Bumaling ako sa kaliwa ngunit napapaupo kong nasapo ang kaliwang balikat ko, may kung sino akong nakabanggaan at talaga namang malakas ang impact niyon.

Putcha! baka pumalya ako nito...

"Miss, I'm really sorry, hindi ko sinasadya." aligagang hingi nito ng paumanhin. Umangat ang tingin ko at salubong ang kilay na tumingin sa kanya pero hindi na ako nagsalita. Naglakad na ako papunta kay Zire,  "Miss! sorry again hindi ko sinasadya, pero ginusto ko talaga yun." dinig kong sigaw nito sa kabila ng mas lumalakas na ingay sa paligid.

"Zire, hindi ba nag-text sayo si Jaze? wala pa rin s'ya eh." tinapunan lang ako nito ng tingin. Parehas ata sila walang pakialam sa isa't-isa eh. "Woy...ano ba?!" asik ko at hinawakan ang braso nito.

"Easy ok?! alam mo naman na palaging grand entrance ang eksena nung isang yun eh." nakakunot noo akong naupo sa tabi nito.

'WOOOAAAHHH!!! SIMULAN NA ANG LABAN!'

'GO DREEEWW!!!'

'WAKAI CHI!!'

'GO JAZE!!!

Halos mabingi ako sa pagchi-cheer ng mga tao, hindi pa naman yung LETHAL RACE ang mangyayari pero yun na ang laman ng bulungan. Madaming nagkalat na lasing, bayarang babae, drug addict at kung ano-ano pa na may kinalaman sa pera. Ang Vaglãzan ay isang malaking building na binubuo ng halos dalawang hektarya o 20,000 square meters at sampong palapag. Masyadong malaki at malawak ang isang to, tinted glass ang nagsisilbing pader, pure glass sa makatuwid pero nananatili pa rin ang tibay, nakakahilo rin ang mga makukulay na ilaw na kanina pa ikot nang ikot.

"Mukhang hindi na darating ang leader nyo ah?" nag-angat aki ng tingin at sinalubong ang nanlilisik na mata nito.

Jake...ha!

"Oh...ano naman sa yo ngayon? bakit? sabik ka na bang matalo?" nangiinsiltong tanong ko, isa si Jake sa mga masasabi kong matinding katunggali ni Jaze pag-dating sa ganitong bagay.

"Alam naman natin kung sino talaga ang mananalo di ba?" yumuko ito at dahan-dahang nag-angat ng tingin. "Maybe after this race, I'll know everything about her...total, yan lang naman ang gusto kong malaman." inirapan ko na lang ito at ibinaling na lang sa mga tao ang atensyon, sya naman ay pumunta na rin sa mga kagrupo nito.

LOST IN REALITY, FOUND IN FANTASYWhere stories live. Discover now