CHAPTER 22

38 16 0
                                    

ALTHEA'S POV

Uwian na ng hapon, iilang estudyante na lang ang natitira, kasalukuyan akong naglalakad patungo sa parking lot para naman makauwi na nang matapat ako sa dilim ay may bigla na lang tumakip sa bibig at mga mata ko, isang kamay sa mata at isa naman sa bibig.

Takot ang bumalot sa pagkatao ko, hindi na rin ako nakagalaw at nagaantay na lang kung ano ang sasabihin at gagawin ng tao sa likuran ko.

"Pinapatawag ka ni Ms. Velaria masyado pang maaga para umuwi ka." ramdam ko ang hininga nito sa tenga ko. "Pumunta ka don, kakausapin ka n'ya."

Hindi na ako nakapagsalita, tuluyan na nitong inalis ang mga kamay sa parte ng katawan ko, hindi ko na rin maaninag kung nasaan na ang taong yun.

Ano na naman ba Ms.?

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na kong tumalima papunta sa office ni Ms., ilang segundo pa ng paglalakad ay narating ko na rin, diretso akong pumasok sa loob nang walang katok-katok. Sinalubong ako ng malamig na temperatura ng kwarto.

"You're now getting rude." aniya tyaka ako hinarap.

"Bakit n'yo po ako pinatawag Ms?" natatakot na tanong ko, pano ba naman na hindi ako matakot, eh nakapatay ang ilaw. Gayon pa man ay kita ko pa rin ang kalahati ng kanyang mukha dahil sa ilaw na galing sa ibaba ng building na kinaroroonan namin.

"Maybe you're wondering why they're still here." aniyang tinutukoy ang mga myembro ng gang na kasalukuyan pa ring naroroon sa abondonadong building, tuluyan na nitong binuksan ang ilaw, tumambad sa akin ang mga papel na nagkalat sa sahig na kalaunay inilipad ng malakas na hangin na nagmumula sa nakabukas na sliding window sa gilid ng table ni Ms. Velaria.

"Would you mind picking up all that papers? you'll find something sa isa sa mga yan." aniya, naguguluhan man ay napayuko na lang ako at isa-isang pinulot ang mga papel, napansin ko na wala namang mga nakasulat, bond papers to be specific na walang ano mang guhit.

Patuloy lang ang pagpulot ko nang makita ko ang isang papel na may sulat.

Search?

Seach for what?

"You found it." aniya at wirdong pumalakpak kahit wala naman dapat na palakpakan, parang bata.

"Ano 'to?" takang tanong ko.

Search? anong meron sa 'SEARCH'?

"That will be our first event this school year, hindi ko pa lang balak na sabihin sa lahat ng students unless handa na ang lahat." ngumiti ito pero hindi mo kakikitaan ng saya bagkus pagiging pilya ang makikita sa mukha nito

Ano na naman ba ang matutuklasan ko? noong una nakakatakot na pangyayari ang nasaksihan ko matapos patayin ng hindi kilalang katauhan ang isa sa mga myembro ng gang dito sa university. Ngayon? ano na naman ba?

"Search para saan? please sabihin mo?" interesanteng saad ko.

Atat na akong malaman kung ano ang mangyayari, kung ano ang posibleng mangyari.

"Nothing to worry about, halata kasi na natatakot ka." nakangising aniya, tumalikod ito kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na humugot ng malalim na hininga.

Sinong hindi matatakot? eh hindi ko matantya ang laman ng utak mo!

"Hindi ako natatakot, para saan ba talaga yan?" tanong ko na naman, para kasing pinapatagal n'ya ang usapan, panay na rin ang tingin ko sa itim na wrist watch ko.

"It's a Search for Mr. and Ms. Devilla." aniya.

Bahagyang nangunot ang noo ko. Ano na naman bang kabaliwan 'to?

LOST IN REALITY, FOUND IN FANTASYWhere stories live. Discover now