CHAPTER 17

69 42 0
                                    

ZIRE'S POV

Natapos ang boodle fight na singhot nang singhot si Tita dahil sa pag-iyak, si Jaze naman ay hindi ko na nakita matapos niyang ihatid si Tita pabalik sa kinaroroonan namin.

Ngayon ay 7 p.m na pero hindi ko pa rin makita ni anino ni Jaze halos lahat ay nagaalala na kung hindi lang nagsabi si Tito na kaya ni Jaze ang sarili n'ya, bagay na totoo naman. Hinanap na namin s'ya sa kung saan, halos galugarin na rin namin ang buong hotel, pero wala talaga, at ngayon ay kasalukuyan akong naglalakad sa dalampasigan, hindi naman kadiliman pero hindi ganoon kaliwanag, kaya mas pinili ko dito nagbakasakaling hanapin si Jaze dahil sa mas gusto nitong manatili sa dilim.

Dali-dali akong lumapit sa mas madilim na parte, nang maaninag ko ang bulto ng katawan nito nakaupo sa straw mat at nakasandal sa puno ng niyog. Tahimik akong lumapit at naupo sa tabi nito.

"Kanina ka pa dito." ani ko dito, nilingon lang ako nito at muling ibinaling ang paningin sa kadiliman ng dagat.

"Alam ko, ako ang nauna dito kaya alam kong kanina pa ako." malamig niyang tugon tyaka humithit sa sigarilyong hawak n'ya.

Matindi ang problema nito...

Napailing ako sa napagtanto, problema na nang ibang tao pero pinoproblema n'ya pa? sabagay, Tita Zanlie is her mother so there's no doubt kung bakit ganito na lang ang reaksyon n'ya simula pa kanina.

Tahimik s'ya kadalasan, lalo pa kung hindi naman dapat magsalita o kung ano pa man. S'ya yung tipo na paramdaman mo ng malamig? higit pa sa yelo ang mararamdaman mo pabalik.

"May problema ba?" agarang tanong ko at nahiga sa buhangin, hindi alintana ang mga piraso nito na dumikit sa balat ko.

"Hindi naman nawawalan ng problema ang lahat ng tao." napamaang ako, nagdadalawang isip kung babatukan ko ba s'ya o ano. Pero mas pinili ko na lang na maging matino.

"So meron nga." usal ko, mahina at malumanay, tinungga muna nito ang natitirang laman ng bote ng alak.

"Sa 'kin na lang yun, wag mo nang alamin."

Umaatake na naman ang pagiging makasarili ng isang 'to, gusto palaging sinosolo ang problema.

Kapwa kami napalingon sa kinapapatungan ng phone n'ya nang bigla itong magliwanag kasabay ng pag-vibrate. Nakita ko na nag-flash sa screen nito ang pangalan ni Drazen.

"Bakit hindi mo sagutin?" hanggang ngayon ay talagang nanghihinayang ako sa kanilang dalawa, sa kung ano ang meron sila...DATI.

"Hindi naman nagtatanong." napamaang ako, ibang klase talaga ang isang to, noon pa man ganyan na s'ya, pero ewan hindi ko alam kung bakit lalong lumala ang saltik nito.

"Ikaw kinakausap kita ng maayos! umaayos ka! hindi ako nakikipagbiruan!" bulyaw ko rito, ang inaasahan ko ay mangbubulyaw rin sya pabalik pero nagkamali ako.

"Sino ba nakikipagbiruan sayo?" seryuso talagang aniya. I don't have a choice but to be serious as well.

"Jaze, sabihin mo na, o kung ayaw mo naman na sabihin sa 'kin pwede ko namang tawagin si Caiye para sa kanya mo sabihin, pero pwede ring both hehe." seryuso man ay hindi ko pa rin naiwasang maging baliw sa oras na 'to. Patuloy lang s'ya sa pagtungga sa hawak na alak, tila nilulunod ang sarili. "Nakakarami ka na ah, tama na yan." ani ko sabay hablot ng hawak-hawak niyang bote.

"Sana inaninag mo muna kung wala na bang iba, bago mo inalis ang boteng hawak-hawako ko pa." ngingisi-ngising aniya tyaka kinabig papalapit ang isang case ng beer.

LOST IN REALITY, FOUND IN FANTASYWhere stories live. Discover now