CHAPTER 8

107 83 0
                                    

ZIRE'S POV

Kasalukuyang kaming nasa kama, katatapos pa lang naming kumain, at pinili na namin ni Jaze na magpagulong-gulong muna. Simula ng tumawag si Caiye ay mas pinili ko nang dito matulog palagi sa tabi ni Jaze. Nakakamiss pa rin kasi ang nakasanayan.

Sana lang naman magkasama-sama na kaming tatlo.
'^'___'^'

"Jaze? " tawag pansin ko dito habang pinipindot-pindot ang kanyang pisngi. Kasalukuyan na itong nakadapa.

"Mmm?" mahinang tugon nito.

Bwisit!!! pati salitang "ano" hindi masambit?!
Dakilang tamad ka Jaze...dakilang tamad!
[O__O]

"Absent tayo ng isang week?" tanong ko at gumaya sa kanya sa pagkakadapa sa kama. "Ayain natin si Caiye, malay mo sumama s'ya." ganadong tanong ko pa. Masayang naglalaro ang imahenasyon ko, hindi pa man nangyayari ay iniisip ko na kapag naka-uwi kami ng Bicol.

"Text mo, tanongin mo kung pwede." ani nya at tyaka humikab.

"Himala!! so payag kang umabsent tayo ng one week?" namamanghang tanong ko. Napahawak pa ako sa bibig.

Milagrosa na ang isang to.
(o__0)

"Sino ba ang hindi papayag, tyaka marami na akong namiss gawin sa Bicol." ani nya na tumataas ang kilay kahit nakapikit ang mata.

Abnoy ang bestfriend ko...abnoy!

"Ako rin, pero mas namiss ko yung mga pagkain nila don."

"Anong nila?" takang tanong nito.

"Nila kasi hindi natin" nauuyam na kong asik sa kanya.

"Aba-aba...pumunta ka lang dito parang nalimutan mo na na taga Bicol naman talaga tayo ahhh." tila nauubosang pasensyang aniya.

"Ano nga...payag ka? absent tayo?" paninigurado ko tyaka tumagilid at humarap sa kanya.

"Oo nga, kaya tawagan mo na si Caiye at tanungin mo ok? matutulog na 'ko." hindi na ito muling nagsalita at bumaling na sa kabilang side ng kama, pero humarap ulit to sa akin at inabot ang ulo ko tyaka hinalikan ang noo ko.

Aawww!! umataki na naman ang sweetness nito.
(^__^)

"Jaze." pagtawag ko dito, pinipigilan ko lang ang matawa. Wala lang gusto ko lang pagtripan.

"Ano na naman ba?" ungot nito.

"Ano namiss mong gawin sa probinsya?" tanong ko at tumayo papunta sa bintana.
Binuksan ko ang bintana at sumalubong sakin ang ihip ng hangin.

"Alam mo naman ang hilig ko di ba?" inis na aniya. Marahas pa nitong kinamot ang ulo. "Oh ano? may tanong ka pa? para naman makatulog na ako." dagdag nya pa.

"Oo, alam ko...kaya alam ko din kung bakit ka agarang pumayag, sasali ka na naman sa competition don no?" ani ko nang nakaharap sa labas ng bintana.

"Oh..alam mo na... matutulog na ako." pagtatapos nya sa usapan.

Ayaw man lang maabala sa pagtulog?!
kaurag!

Tinignan ko ang oras. 8:11 pa lang ng gabi, wala naman akong gagawin, nakaka-boring!. Wala na akong maisip na gawin kaya tinext ko na lang si Caiye, para naman mapagusapan na ang gagawin namin. Sobra ang saya ko, kahit hindi pa man s'ya pumapayag ay nararamdaman ko na papayag s'ya.

Manghuhula ka na pala ngayon Zire?!
Eh ano naman ngayon?

Teka, abnoy na ba ako?!
hindi-hindi...maganda lang talaga ako...hehe oo maganda ako...

LOST IN REALITY, FOUND IN FANTASYWhere stories live. Discover now